Metro Manila Film Festival

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Tuwing Disyembre 25, hindi lamang Pasko ang ipinagdiriwang ng maraming Pilipino. Ito ay petsa rin ng unang araw ng pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pelikulang Pilipino

Mula Disyembre 25 hanggang unang linggo ng Enero, mapanonood sa mga sinehan sa bansa ang walong kalahok na pelikula ng MMFF. Sa mga araw na ito, walang banyagang pelikula ang ipinalalabas sa mga sinehan, maliban lamang sa 3D at IMAX na mga teatro. Isa sa mga inaabangan sa pagsisimula ng MMFF ay ang parada ng naglalakihang karosa ng bawat lahok na pelikula. Sakay nito ang mga artista at iba pang bumubuo sa pelikula. Isinasagawa ang parada sa ilang lansangan ng Maynila dalawang araw bago ang Pasko.

Ang MMFF ay sinimulan noong 1975 na hango mula sa Manila Film Festival noong 1966. Ang dating alkalde ng Maynila na si Antonio Villegas ang nagpasimula nito na layong itaguyod ang pelikulang Pilipino. Binubuo ng mga kinatawan mula sa pribado at pampublikong sektor ng bansa ang mga executive committee ng MMFF.

Kraytirya sa Pagpili ng mga Lahok

Noong 2016, nagbagong-bihis ang MMFF at ipinatupad ang #Reelvolution. Ang mga napiling lahok na pelikula noong nakaraang taon ay iba sa mga nakasanayan. Karamihan sa mga pelikulang ito ay maituturing na independent, o mas kilala sa tawag na indie film. Narito ang ipinatupad na kraytirya noong 2016:

  • Story, audience appeal, overall impact (40%)
  • Cinematic attributes and technical excellence (40%)
  • Global appeal (10%)
  • Filipino sensibility (10%)

Bagong kraytirya naman ang binuo para sa MMFF 2017:

  • Artistic excellence (40%)
  • Commercial appeal (40%)
  • Promotion of Filipino cultural and historical values and (10%)
  • Global appeal (10%)

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.