Mekanika

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang sigwasan o mekanika (Griyego) ay isang sangay ng pisikang nakatuon sa ugali o gawi ng mga katawang pisikal kapag iniharap na sa mga puwersa o pagbabago sa kinalalagyan (displacement sa Ingles) ng bektor, at kinalalabasang mga epekto ng mga katawan sa kanilang kapaligiran. Ang disiplina ay nag-ugat mula sa ilang sinaunang mga kabihasnan (tingnan ang Kasaysayan ng klasikong mekanika at Guhit-panahon ng klasikong mekanika). Noong panahon ng maagang makabagong panahon, ang mga siyentipikong sina Galileo Galilei, Johannes Kepler, at natatangi na si Isaac Newton, ang naglatag na pundasyon ng tinatawag na sa ngayon bilang klasikong mekanika.