Maynila

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search



Maynila
Ph locator ncr manila.png
Region: National Capital Region (NCR)
City: Maynila
Municiplity: 21
Barangays: 897
Areakm2: 38.55
pop2000: 1,581,082
pop2000rank: Ika-27 sa malalaki
popden2000: 41,014


Ang Lungsod Maynila ay ang kabesera ng Pilipinas at isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Look Maynila sa Luzon.

Ang Maynila ang sentro ng gawain ng 10 milyong katao. Ang Kalakhang Maynila ay kilala bilang National Capital Region. Ang Lungsod Maynila ay mataong lugar na may bilang na 1.5 milyong katao at ikalawa sa Lungsod Quezon na may pinakamadaming bilang ng populasyon at dating kabesera ng Pilipinas.

Ang Maynila ay puno ng mga atraksyon tulad ng Luneta Park, Manila Bay at iba pa. Dito rin matatagpuan ang Unibersidad ng Santo Tomas na siyang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas na itinayo noong 1611 ng mga prayleng Espanol.

Ang Intramuros, na nasa Maynila, noon ang nag silbing "Mini-Spain" ng Pilipinas dahil lahat ng naninirahan doon ay pawang mga Kastila lamang. Dito matatagpuan ang St. Augustine Church na kung saan matatagpuan ang pinakaunang "bamboo organ".

Pinagmulan ng Pangalan

Ang Maynila ay nag-ugat sa mga salitang "may" at "nilad" na tumutukoy sa halamang nabubuhay sa baybayin.

Nagsimula ang pananakop ng mga Espanyol sa Maynila nang dumating ang mga ito sa bansa noong siglo 16. Pinamahalaan nila ang ang bansa at ang buong lungsod sa loob ng tatlong siglo. Halos mawasak ang lungsod nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakuha ng Estados ang kontrol sa lungsod at sa buong bansa nang matalo ng mga Amerikano ang puwersa ng mga Espanyol. Sinakop nila ang Bansa hanggang 1946. Tuluyan lamang nabuo ang rehiyon ng Kalakhang Maynila noong 1975.

Heograpiya

Ang Maynila ay nakahimlay sa bunganga ng Ilog Pasig na nasa silangang baybayin ng Look Maynila na nasa gawing kanluran ng Luzon. Ito ay may layong 950 kilometro sa timog silangan ng Hong Kong at 2,400 kilometro kuwadrado sa hilagang silangan ng Sinagapore.

Ang Maynila ay napaliligiran ng mga lungsod sa Kalakhang Maynila tulad ng mga Navotas at Caloocan sa hilaga, Quezon sa hilagang silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog silangan at Pasay sa timog.

Mga Wika

Ang pangunahing wika ng Lungsod ay Filipino at Ingles na pawang ginagamit sa edukasyon at negosyo.


Lugar ng Pananampalataya

Ang Maynila ang naging sentro ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Kastila nang sinakop nito ang Pilipinas ilang daan taon na ang nakararaan. Dito matatagpuan ang mga sikat na simbahang katoliko tulad ng Simbahan ng Quiapo, Katedral ng Maynila at San Miguel Pro-Katedral.


Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.