May Bukas Pa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang May Bukas Pa ay isang Pilipinong drama serye na ipinalabas sa Primetime Bida ng ABS-CBN mula Pebrero 2, 2009 hanggang Pebrero 5, 2010.[1] Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerome Chavez Pobocan, Jojo A. Saguin, at Erick C. Salud at panulat nina Dindo Perez, Shugo Praico, at Ayis de Guzman. Pinalitan ito ng Agua Bendita noong Pebrero 8, 2010.

Produksiyon

Karamihan sa mga eksena ng palabas ay nakuhanan sa San Guillermo Parish Church Barangay Cabambangan & Municipal Hall ng Bacolor sa Barangay Calibutbut ng ika-4 na klase ng munisipalidad ng Bacolor, Pampanga. Ang iba sa mga eksena ay kinunan sa ibang mga munisipalidad ng Pampanga tulad ng Minalin pati na rin ang kabisera nito na San Fernando, Kalakhang Maynila, at iba pang mga probinsya tulad ng Zambales, Laguna, at Bataan.

Mga Sanggunian

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa May Bukas Pa. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.