Maximino Edralin Jr.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Maximino Edralin Jr. ay isang Pilipinong mamamahayag at isang propesyunal sa larangan ng public relations.

Ipinanganak si Edralin sa Sarrat, Ilocos Norte noong 1931. Pinsan siya ng dating pangulong si Ferdinand E. Marcos.

Bago siya lumipat sa industriya ng public relations, kilala si Edralin bilang isang mamamahayag. Kabilang siya sa mga nakulong noong 1955 habang ipinaglalaban ang malayang pamamahayag.

Mahigit 50 taong nasa industriya ng public relations si Edralin at naging bahagi ng iba't ibang kumpanya tulad ng Citibank at San Miguel Corporation. Naging information liaison officer rin siya ng Southeast Asia Treaty Organization (SEATO). Naging bahagi rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas si Edralin bilang public relations consultant sa loob ng 22 taon.

Pumanaw si Edralin noong ika-15 ng Oktubre 2021 sa edad na 89.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.