Max Planck

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Si Max Planck, ang Ama ng Quantum Mechanics

Si Max Karl Ernst Ludwig Planck[1][2] (23 Abril 1858 – 4 Oktubre 1947) ay isang pisikong Aleman. Siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel noong 1918 "bilang pagkilala sa kanyang mga serbisyong ibinigay sa pagsusulong ng pisika sa pamamagitan ng kanyang pagkakatuklas ng enerhiyang quanta". Siya ay itinuturing na tagapagtatag ng teoriyang quantum at isa sa pinakamahalagang pisiko ng ika-20 dantaon. Si Planck ay nakagawa ng maraming mga ambag sa pisikang teoretikal ngunit siya ay pangunahing kilala sa kanyang papael bilang tagpagpasimula ng teoriyang quantum. Ang teoriyang ito ay nagpabago ng pagkaunawa sa mga prosesong atomiko at subatomiko kung paanong ang teoriya ng relatibidad ni Albert Einstein ay nagpabago ng pagkaunawa sa espasyo at panahon. Ang mga ito ay bumubuo ng pundamental na mga teoriya ng ika-20 siglong pisika. Ang mga ito ang nagtulak sa sangkatauhan na baguhin ang ilang mga pinakaiingatang paniniwalang pilosopikal nito at nagdulot ng mga aplikasyong pang-industriya at pang-hukbo na umaapekto sa maraming mga aspeto ng modernong pamumuhay.

Sanggunian

  1. Cline, Barbara Lovett. "Max Planck," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693
  2. Christoph Seidler (24 Abril 2008). "Gestatten, Marx Planck". Spiegel. Nakuha noong 2008-07-29.

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Max Planck. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.