Masbate

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa rehiyon ng Bicol ang Masbate. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pulo: Ticao, Burias at Masbate. Baka, isda, manganese, at kopra ang pangunahing produkto rito. Minsang nagkaroon ng isang minahan sa pulo ng Masbate sa munisipalidad ng Aroroy, nagsara na sa ngayon. Pangunahing atraksiyon sa lalawigang ito ang Rodeo Masbateño na kadalasang ginagawa tuwing Abril sa lungsod ng Masbate, ang kabisera ng lalawigan.

Binubuo ng 21 munisipalidad at isang lungsod ang Masbate. Kabilang sa mga munisipalidad ang San Pascual, Claveria, Montreal, San Jacnto, San Fernando, Mobo, Milagros, Aroroy, Baleno, Balud, and Mandaon; Third District – Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, at Cawayan. Masbate ang ang pangalan ng nag-iisang lungsod ng lalawigan ng Masbate.

Wika

Bisaya ang pangunahing wika ng mga taga-Masbate. Gumagamit din sila ng wikang Bikol, Sebwano, at Hiligaynon. Marunong din silang gumamit at umintindi ng Tagalog at Ingles.

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.