Masahista

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Masahista (The Masseur) ay isa sa mga pelikula ni Brillante Mendoza na nakapagkamit ng maraming karangalan. Napili ang pelikulang ito upang katawanin ang Pilipinas sa sampung pandaigdigang film festival. Isa itong pelikula ukol sa isang lalaking nagtrabaho bilang isang masahista sa Maynila upang kumita ng halagang sapat para matustusan ang kaniyang pangangailangan sa buhay. Sa trabahong ito, sinasalamin ang tunay na sitwasyon ng kahirapan sa buhay.[1]



Masahista (The Masseur)
160px

{{#ev:youtube|75UHaeErJF4|330}}
Director: Brillante Mendoza
Writer: Ferdinand Lapuz, Boots Agbayani Pastor
Starring: Allan Paule
Coco Martin
Katherine Luna
Jacklyn Jose
Music : Jerrold Tarog
Cinematography : Timmy Jimenez
Monchie Redoble
Editing : Herbert Navasca
Released: 19 Oktubre 2005
Runtime: 76 minutos
Country: Philippines
Starring: English
Tagalog
Filipino

Mga tauhan

Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan sa pelikula[2]:

  • Coco Martin bilang Iliac
  • Jacklyn Jose bilang Naty
  • Allan Paule bilang Alfredo/Marina Hidalgo
  • Katherine Luna bilang Tessa
  • R.U. Miranda bilang Lorena
  • Aaron Christian Rivera bilang Maldon
  • Arriane Camille Rivera bilang Faye
  • Ronnie Bertobin bilang tagapangasiwa
  • Norman Pineda bilang Edmond
  • John Baltazar bilang Anthony
  • Jan-el Esturco bilang utusan
  • Erlinda Cruz bilang Jean
  • Rose Mendoza bilang Rose
  • Mary Anne dela Cruz bilang Jean
  • Maximiano Sultan bilang Rodel

Mga parangal

Ang mga sumusunod ay ang mga parangal na nakamit ng pelikula[3]:

Taon Tagapagkaloob ng gawad Parangal Resulta
2005 Locarno International Film Festival Golden Leopard Award Nakamit
2006 Brisbane International Film Festival Interfaith Award Nakamit
2006 FAMAS Award Pinakamahusay na pangalawang aktor Nominado
2006 FAP Awards Pinakamahusay na dulang pampelikula Nominado
2006 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na Sinematograpiya Nominado
2006 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Nominado
2006 Torino International Gay and Lesbian Film Festival Audience Award Nakamit
2006 Young Critics Circle Awards Best Achievement in Cinematography and Visual Design Nakamit
2006 Young Critics Circle Awards Best Achievement in Film Editing Nakamit
2006 Young Critics Circle Awards Best Achievement in Sound and Aural Orchestration Nakamit
2006 Young Critics Circle Awards Best Film Nakamit
2006 Young Critics Circle Awards Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role Nakamit
2006 Young Critics Circle Awards Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role Nominado

Sanggunian

  1. Review:Masahista (The Masseur)binisita noong: 21 Hunyo 2011
  2. IMDb.com Cast: Masahista (Movie)binisita noong: 21 Hunyo 2011
  3. IMDb.com Awards: Masahista (Movie)binisita noong: 21 Hunyo 2011


Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.