Marne L. Kilates

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Marne L. Kilates, na ang kompletong pangalan ay Mariano L. Kilates, ay premyadong Filipinong makata, tagasalin, at editor na tubong Bikol. Kabilang sa kaniyang mga aklat ay ang Children of the Snarl (Aklat Peskador, 1987); Poems en Route (UST Publishing House, 1998), at Mostly in Monsoom Weather (UP Press, 2007).

Tatlong ulit na siyang nagwagi ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle, bukod sa pagtatamo ng parangal mula sa Southeast Asian Writers Award (SEAWrite), Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at Catholic Mass Media Awards.

Edukasyon

Nagtapos si Kilates sa Divine Word College sa Lungsod Legazpi, at pagkaraan ay dumalo sa mga palihan ng pagsusulat ng Silliman University at Unibersidad ng Pilipinas. Naging direktor siya ng kompanya sa advertising, pagkaraan ay nagturo sa Miriam College, at ngayon ay konsultant ng pribado at publikong kompanya hinggil sa aspektong pantalastasan sa madla.

Iba pang gawain

Bukod sa pagsusulat ng tula, si Kilates ang tagasalin ng mga tulang nasusulat sa Filipino. Kabilang sa kaniyang mga salin ang mga aklat ni Rio Alma, gaya ng Sonetos Postumos (2006); Dust Devils: A Bilingual Selection of Poems on Youth! (Aklat Peskador, 2005); at Selected Poems of Rio Alma (Maya Books, 1987), kasama sina Alfrredo Navarro Salanga and Mike L. Bigornia. Isinalin din niya sa Ingles ang Gitara (bilingual) ni Jesus Manuel Santiago (Akasya Books, 1998) at mga kuwentong-bayan ng Maguindana.(Phoenix Publishing House, 1993S). Si Kilates ay kasapi sa Lupon ng mga Direktor ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) at ang katuwang na Fellow ng Philippine Literary Arts Council (PLAC).

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.