Marky Cielo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Mark Angelo Cadaweng Cielo (Mayo 12, 1988 - Disyembre 7, 2008), mas kilala bilang Marky Cielo ay isang Pilipinong aktor at mananayaw.

Marky Cielo
Estado:
Tunay na pangalan: Mark Angelo Cadaweng Cielo
Kapanganakan: May 12, 1988
Lungsod ng Butuan, Pilipinas
Kamatayan: Dec. 7, 2008
Lungsod ng Antipolo, Pilipinas
Mga Magulang :
Ibang Pangalan : Marky Cielo, Boknoy, Kuya Marky
Home Page : http://www.markycielo.org

Buhay bago sumabak sa Showbiz

Si Cielo ay lumaki sa Butuan bago tumira sa Mountain Province noong 2001. Nabibigkas niya ang mga wikang Kankanaey, Ilokano, Tagalog at Bisaya (gaya ng Wikang Butuanon at Wikang Cebuano). Ayon sa pangyayari sa kanyang buhay na pinakita sa Magpakailanman, ang mga magulang ni Marky ay naghiwalay noong bata pa sila ng kanyang kapatid na babae. Mag-isa silang inalagaan ng kanyang ina. Nagkita lamang sila ng kanyang ama makalipas ng maraming taon.

Buhay Pang-kolehiyo

Siya ay isang unang taong mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Luis sa Baguio City ng kursong arkitektura bago sumali sa Starstruck. Kabilang din siya sa SLU. Sinabi ng kanyang ama na may plano si Cielo na mag-aral muli subalit pumanaw na siya.

Pagsali sa StarStruck

Tinanggap niya ang paghikayat ng kanyang mga kaklase na sumali sa StarStruck. Napanalunan niya ang titulong Ultimate Male Survivor, at ang titulong Sole Survivor Batch 3. Siya rin ang unang Igorot na sumali sa patimpalak. Isa sa mga napalanunan niya ang bahay at lote sa Antipolo na tinitirhan ngayon ng kanyang pamilya.[1]

Karera sa Showbiz

Pumasok si Cielo sa larangan ng showbiz pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa StarStruck. Ang kanyang unang palabasay ang Fantastikids kasama nila Isabella de Leon at B.J. "Tolits" Forbes at pagkatapos ay Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Namatay ang kanyang ginaganap na tauhan sa mga palabas na Bakekang at Asian Treasures. Sinasabi na ang mga palabas na ito ang tumulong sa pag-taas ng karera ni Cielo. Naging bida si Cielo sa Pilipinong paggawa Uchuu Keiji Shaider bilang Alexis del Mundo o Shaider. Subalit Dennis Trillo at StarStruck Ultimate Hunk Aljur Abrenica ay sinama din dito at pinalitan ang titulo ng programa at tinawag na Zaido: Pulis Pangkalawakan, isang sekwel sa Mga Bayaning Bakal kung saan ginanap niya si Alexis Lorenzo o ang Berdeng Zaido. Sinasabing ang Zaido ay ang pinakamalaking tulong sa kanyang pag-angat bilang artista. Sumali din siya sa Sine Novela: Kaputol ng Isang Awit. Sumali din siya sa Codename: Asero at pagkatapos ay sa LaLola na naging huli niyang palabas sa telebisyion.

Kamatayan

Si Cielo ay natagpuan ng kanyang ina noong Disyembre 7, 2008, noong pumasok ito sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Lungsod ng Antipolo ng mga dakong alas-diyes ng umaga upang gisingin siya para sa isang programang pangkawang-gawa. Siya ay 20 taong gulang. Isang pang-unang ulat ay nagsabing namatay siya habang natutulog. Huling nakita si Cielo sa LaLola, kung saan iniwan niya ang karakter na si "Billy". [2]

Pilmograpiya

Telebisyon

year show(s) role
2008 LaLola Billy Lobregat / Enrico
2008 Dear Friend Jerome
2008 Codename: Asero Troy / Agent Beatbox
2008 Kalam: GMA News and Public Affairs Host
2008 Sine Novela: Kaputol Ng Isang Awit Eric Valderama
2007-2008 Zaido: Pulis Pangkalawakan Alexis Lorenzo / Zaido Green / Sigma
2007 Boys Nxt Door Buboy/Mario Alberto Almante
2007 Bleach Ichigo Kurosaki (boses lamang)
2007 Asian Treasures Mateo Madrigal
2006-2008 SOP Host / Tagaganap
2006 Bakekang Miguelito "Michael" Dimayacyac
2006 Fantastikids: Season 2 Daniel Trinidad
2006 Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas Arman
2006 Magpakailanman (Marky Cielo Life Story) Bilang siya
2006 Startalk: StruckAttack Guest/Host
2006 SOP Gigsters Host / Performer
2006 Love to Love: Young At Heart Joe
2006 Fantastikids Daniel Trinidad
2005-2006 StarStruck: The Nationwide Invasion Ultimate Male Survivor/ Ultimate Sole Survivor

Pelikula

Year Title Role
2006 Till I Met You Bryan

Parangal

  • Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2007) - Most Promising Male Artist
  • Yes! Magazine's 100 Most Beautiful
  • Starstuck Batch 3 - Ultimate Male Survivor and 1st Sole Survivor
  • Candy Mag's 100 Candy Cuties


Panlabas na Kawing

Sanggunian

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Marky Cielo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.



Kategorya:Mga artista mula sa Pilipinas Kategorya:1989 Ipinangaanak Kategorya:2008 Kamatayan