Mark Anthony Fernandez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Mark Anthony Fernandez ay isang artista sa Pilipinas. Pinanganak noong Enero 18, 1979 sa Chinese General Hospital sa La loma, Quezon City; siya ang panganay na anak ng mga kilalang artista na sina Rudy Fernandez at Alma Moreno. Sa edad na trese ay pumasok sa showbiz bilang isa sa mga kabataang miyembro ng "Guwapings", isang grupo na binuo ng kilalang showbiz manager na si Douglas Quijano at sumikat noong early 90s'. Umani ng paghanga dahil sa kanyang galing sa pag-arte (binansagan "Best Actor of his generation" ng isang kritiko dahil sa ipinamalas niyang galing sa "Mangarap Ka") ngunit dahil sa droga ay naalintana ang career. Sa tulong ng mga magulang at kaibigan, bumangon sa pagkakadapa at noong 2005 ay muling nagbalik sa pelikula at muling pinatunayan ang kakayahan sa piniling propesyon. Mula sa ABS-CBN teleseryeng "Super Inggo" hanggang sa GMA's "Impostora" nakita muli ng publiko ang galing ng aktor.

Noong Septembre 24, 2006 pinakasalan niya si Melissa Garcia, ang matagal na niyang nobya at ina ng kanyang anak, sa isang garden Christian ceremony sa Intramuros.

Pelikula: 1. Guwapings - Jomari Yllana, Eric Fructouso 2. Laklak - Jomari Yllana 3. Mangarap Ka - Claudine Barretto, Boots Anson-Roa, Dante Rivero 4. Istokwa - Spencer Reyes 5 Binibini sa Aking Pangarap - Ruffa Gutierrez 6. Dos Ekis - Rica Paralejo 7. Hesus Rebolosyonaryo - Donita Rose 8. Matimbang Pa Sa Dugo - Rudy Fernandez 9. Biyaheng Langit - Joyce Jimenez 10. Sa Piling ng Mga Belyas - 11. You and Me Against the World - Robin Padilla, Kris Aquino 10. Shake, Rattle and Roll 2K5- Ai-Ai de las Alas, Gloria Romero, Tanya Garcia 11. Batas Militar - Mark Lapid

Telebisyon

  • All About Eve (Pinoy Version)
  • Luna Mystica
  • Ako Si Kim Sam Soon!
  • Kamandag
  • GMA Telecine Specials
  • Guwapings Live!
  • Palibhasa Lalake