Marie Curie

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Si Marie Curie,Ang kauna-unahang babaeng nanalo, at ang nag-iisang taong nanalo ng dalawang Gantimpalang Nobel sa dalawang magkaibang katergorya ng agham.

Si Marie Skłodowska-Curie (ipinanganak bilang si Maria Salomea Skłodowska, 7 Nobyembre 1867 – 4 Hulyo 1934) ay isang kimiko na kilala para sa kaniyang pagsasaliksik na naging batayan ng radyoaktibidad at ng larangan ng radyolohiya. Siya ang unang babaeng nakatanggap ng Gantimpalang Nobel—sa kimika at sa pisika, ang unang babaeng propesor sa Pamantasan ng Paris, at ang unang babaeng inilibing sa Panthéon ng Paris dahil sa sariling sikap.

Ipinanganak si Curie sa Warsaw, sa noo'y dating Kaharian ng Polonya na bahagi ng Imperyong Ruso. Nag-aral siya sa tagong Pamantasang Lumilipad ng Warsaw at doon niya sinimula ang kaniyang pagsasanay sa pagiging siyentipiko. Noong 1891, sa edad na 24, sinundan niya ang kaniyang ate na si Bronisława at lumipat sa Paris, kung saan itinamo niya ang kaniyang mga karagdagang mga katibayan at itinanghal ang kaniyang mga sumusunod na gawaing maka-agham, at noong 1903, iginawad siya ng Gantimpalang Nobel sa Pisika kasama ng kaniyang asawa na si Pierre Curie at ang pisikong si Henri Becquerel dahil sa kanilang pagtutuklas ng radyoaktibidad (isang salita na kaniyang inilikha). Siya naman mismo ang nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Kimika noong 1911 para sa kaniyang paghihiwalay ng purong radyum (radium) at polonyo (polonium).

Namatay si Curie noong 1934 dahil sa anemyang aplastiko (aplastic anemia) bunsod ng maraming taon ng paghaharap sa radyasyon.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Marie Curie. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.