Mariano Trias

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Mariano Trías y Closas (12 Oktubre 1868 – 22 Pebrero 1914) ay itinuturing bilang de facto Pangalawang Pangulo ng Pilipinas para sa rebolusyonaryong pamahalaan na inilunsad sa Kumbensiyong Tejeros—isang kapulungan ng mga pinunong rebolusyonaryo sa Pilipinas na naghalal ng mga opisyal ng kilusang manghihimagsik laban sa gobyernong kolonyal ng Espanya. Nang magkawatak-watak ang asambleya, isang pagkakasundong tinatawag na Kasunduan ng Biyak na Bato ang nilagdaan ng grupo at kumilala rin sa mga nahalal ng mga opisyal; si Trias ang pangalawang pangulo ni Emilio Aguinaldo, ang tinuturing na unang Pangulo ng Pilipinas. Sa pagpapahayag ng Konstitusyong Malolos sa pamamagitan ng Kumbensiyong Malolos, isinilang ang Unang Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ng administrasyong Aguinaldong ito, naglingkod si Trias sa gabinete ng Ministro ng Digmaan at Pananalapi.

Ikinasal si Trias kay María Concepción Ferrer, at nagkaroon sila ng walong mga anak.

Pagiging Pangalawang Pangulo

Noong 22 Marso 1897, idinaos ang pangalawang pagtitipon ng mga pinuno ng Katipunan mula sa dalawang paksiyon, sa pagkakataong ito ay ginanap sa Tejeros, malapit sa baybayin, sa pusod ng nasasakupan ng mga Magdiwang. Naganap ito habang ang paksiyon ni Aguinaldo at ang Magdalo ay labis na sinusubukan ang pagtigil sa mga paparating na mga sundalo ni Lachambre. Pagkatapos ng isang maigting na pagdedebate, napagkasunduan na magtayo ng panibagong pamahalaan, na papalit sa itinayo ng Katipunan. May limang posisyon ang pupunan. Sa pamamagitan ng lihim na balota, nahalal si Emilio Aguinaldo bilang Pangulo, na wala sa halalan dahil sa pagtatanggol sa Imus laban sa mga paparating na atake ni Gobernador Lachambre, at si Mariano Trías bilang Pangalawang Pangulo. Parehong natalo si Andrés Bonifacio sa dalawang posisyon.

Sa isang pagtitipong rebolusyonaryong ipinatawag ni Aguinaldo sa Naic, Cavite pagkatapos ng Linggo ng Muling Pagkabuhay ng 1987, napili muli si Trías bilang Pangalawang Pangulo ng bagong pamahalaan. Pinasimulan niya ang ilang mga pag-atake sa Kabite at Laguna laban sa mga hukbong Espanyol. Noong 1 Nobyembre 1897, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato.

Mga Sanggunian

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Mariano Trias. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.