Mariano Gomez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search


Mariano Gómez
Padre Mariano Gómez
Kaarawan: Agosto 2, 1799
Maynila
Araw ng kamatayan: Pebrero 17, 1872
Maynila
Propesyon: Pari
Kilala sya bilang: GOMBURZA


Si Padre Mariano Gómez ay isinilang noong Agosto 2, 1799 sa distrito ng Santa Cruz sa Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio na kapwa may duging Pilipino at Instik.

Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging pari sa Parokya ng Bacoor, Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila.

Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872.

Sanggunian

Panlabas na Kawing


Template:Katiting

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Mariano Gomez. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.