Mariano Alvarez
Si Mariano Alvarez ay isang rebolusyonaryong Filipino mula sa Cavite. Isa siya sa mga nakipaglaban sa mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan.
Talambuhay
Ipinanganak si Alvarez sa bayan ng Noveleta sa Cavite noong ika-15 ng Marso, 1818. Nag-aral siya sa Collegio de San Jose sa Maynila kung saan din niya nakuha ang diploma sa pagiging isang guro. Pagkatapos noon ay bumalik siya sa Cavite at nagtrabaho bilang isang guro sa ilang mga paaralan sa mga bayan ng Naic at Maragondon. Ikinasal siya kay Nicolasa Virata noong 1863. Ang anak nila ay si Santiago na isinilang noong taong 1872. Siya ang tiyuhin ng asawa ni Andres Bonifacio na si Gregoria De Jesus.
Bilang Heneral ng Himagsikan
Si Mariano at ang anak niyang si Santiago ay kapwa aktibong miyembro ng Katipunan, isang lihim na samahan laban sa mga Espanyol na itinatag ni Andrés Bonifacio noong 1892. Noong 1896, napili siyang maging pangulo ng Magdiwang, isa sa dalawang sangay ng Katipunan (ang isa ay Magdalo)
Mga Sanggunian
- "Mariano M. Alvarez". Kapampangan Homepage. Tinago mula sa orihinal noong 2004-09-20. Nakuha noong 2008-01-08.
- Reyes, Joel M.; Perez, Rodolfo III. "An Online Guide About the Philippine History: Mariano M. Alvarez". Tinago mula sa orihinal noong 2009-08-29. Nakuha noong 2008-01-08.
- Dates of birth and death confirmed by Alvarez's great-grandaughter, Eloisa B. Lucas. See "Amazon.com: Mamma and Me:Books:Eloisa B. Lucas". Nakuha noong 2008-01-08.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |