Marianito Roque

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Marianito Roque

Marianito Roque
Kaarawan: 27 January 1914
Ibang Pangalan: Nitoy
Magulang: Mauro J. Roque
Eliza Dineros

Si Marianito "Nitoy" Roque ay ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE). Siya ay ang dating tagapangasiwa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) bago siya iniupo bilang pansamantalang kalihim ng DOLE noong Marso 2008.

Talambuhay

Si Marianito Roque ay ipinanganak noong Disyembre 8, 1954 sa Limay, Bataan. Ang kanyang mga magulang ay sina Mauro J. Roque, isang kontraktor at negosyante, at ang kanyang maybahay ay si Eliza Dineros. Si Nitoy, kung saan siya mas kilala, ay nagtapos ng kanyang elementarya at sekundarya sa Lamao Bataan High School noong 1971 sa Limay, Bataan kung saan siya ipinanganak. Noong 1975, nagtapos siya ng titulong Ekonomiya sa Kolehiyo ng De La Salle sa Maynila. Natapos naman niya ang kanyang 'Masteral Degree' sa Pamamahala ng Negosyo sa Pamantasang Ateneo de Manila .

Bata pa lamang si Nitoy ay nagpamalas na siya ng disiplina sa sarili at nang kakayahang maging isang huwarang mag-aaral. Matapos ang kanyang pag-aaral sa masteral ay nagtrabaho siya bilang propesor ng Marketing sa Philippine Women's University bago siya nanilbihan sa gobyerno. Noong 1976, nagtrabaho siya bilang taong tagatipon ng mga datos na ginagamit bilang statistics at tagaplano sa Overseas Employment Development Board (OEBD), ang ninuno ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)at naging opisyal sa Marketing. Nang itinatag ang OWWA noong 1982, nanilbihan si Nitoy bilang katuwang sa teknikal ng administrayon ng OWWA at di rin nagtagal ay namuno sa Resource Management Unit.

Noong Setyembre 1, 2004, hinirang siya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang pinuno ng OWWA matapos hawakan ang posisyon ng pagiging direktor mula 1986 hanggang Marso 2004 at bilang isang Deputy Administrator.

Mga Napagtagumpayan

  • Pakikipag-ayos sa gobyerno ng Kuwait para sa malawakang pag-alis ng 28,000 Pilipino noong Unang Digmaan sa Gulf;
  • Pagsulong ng programa hinggil sa pagpapadala ng pera para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW);
  • Pagbubuo ng konsepto tungkol sa mga gawain ng Welfare Officers to Philippine Missions bilang pangunahing tagapagbigay ng agarang tulong at serbisyo;
  • Pagsasaayos na muli ng OWWA bilang ahensya ng gobyerno na sensitibo sa mga tugon ng masa;
  • Pag-unlad ng serbisyong padala para sa mga pamilyang naiwan dito sa Pilipinas ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa;
  • Pakikipag-ayos sa gobyerno ng Saudi Arabia na siyang naging resulta ng pagpapalaya ng 500 OFW sa kulungan ng kaharian.
  • Pagtatatag ng 24/7 Operation Center upang masubaybayan ang pagdarahop at pighating nararanasan ng mga OFW;
  • Pangangasiwa sa paglikas ng 6000 na Pilipino sa Lebanon noong kasidhian ng tunggalian ng Israel laban sa Hizbollah.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.