Marian Rivera

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Marian Gracia Dantes (Marian Gracia Rivera) mas kilala bilang Marian Rivera sa larangan ng syobis ay isang aktres sa GMA-7. Mas nakilala siya sa pagganap bilang Marimar nang isalin ito sa Filipino mula sa orihinal na Mehikanong lenguwahe nito.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 12 Agosto 1984 sa Madrid, Espanya, ang kanyang amang si Francisco Javier Gracia ay isang Espanyol habang ang ina namang si Amalia Rivera ay isang Pilipina. Matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang nang siya ay dalawang-taong-gulang pa lamang, umalis sila ng kanyang ina at bumalik sa Pilipinas. Kaya lamang, kinailangang umalis muli ng kanyang ina upang maghanapbuhay kaya si Marian ay iniwan sa kanyang lolang si Francisca Rivera sa Bacoor, Cavite.

Sa kanyang paglaki sa Cavite ay nag-aral siya sa mga pribadong paaralan. Mula elementarya hanggang hayskul ay nag-aral siya sa St. Francis of Assisi College System. Nang siya naman ay mag-kolehiyo, lumipat siya sa De La Salle University - Dasmariñas. Dito ay kumuha siya ng A.B. Psychology. At nang magtapos siya ay nagsanay siya sa National Mental Hospital sa loob ng tatlong buwan.

Sa Syobis

Simula

Nagsimula si Marian sa pagpasok sa syobis nang siya ay maging modelo sa mga patalastas at maging sa mga magasin. Kabilang na rito ang mga patalastas sa telebisyon, na Skin White Lotion at Sky Flakes Crackers. Ang produksyon ng TAPE Inc. ang kumuha sa kanya na lumabas sa mga programa ng GMA na pang-hapon. Kabilang rito ang Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Agawin Mo Man Ang Lahat, at ang Pinakamamahal. Sa mga palabas na ito, naging katambal niya si Oyo Boy Sotto, Matapos nito ay binigyan siya ng GMA ng mga karakter na ina. Ito ay sa Muli at ang telefantasyang Super Twins kung saan gumanap siyang ina sa mga halos kaedad niyang sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.

Pagsikat

Error creating thumbnail: File seems to be missing: Marimar Nagumpisa ang pagsikat niya nang husto sa kanyang pagganap bilang Pilipinang Mari Mar na orihinal na ginampanan ni Thalia sa Mehiko. Nagsimula ang pagpapalabas nito sa telebisyon noong Agosto 13, 2007.

Dahil na rin sa kanyang kahusayan sa pagsayaw at paggiling ng katawan ay gumawa rin siya ng koleksyon ng mga awiting pangsayaw na pinamagatang Marian Rivera Dance Hits na sa kasalukuyan ay nagkamit na ng Platinum Award.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan

  • Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005)
  • Agawin Mo Man Ang Lahat (2006)
  • Pinakamamahal (2006)
  • Muli (2007)
  • Super Twins (2007)
  • MariMar (2007)
  • Mars Ravelo's Dyesebel (2008)

Mga Pelikulang Tinampukan

Error creating thumbnail: File seems to be missing: Si Marian Rivera sa Let's Celebrate Dance Concert! sa Manila, noong Pebrero 2012

  • Enteng Kabisote (2005)
  • Pamahiin (2006)
  • Bahay Kubo (2007)
  • Desperadas (2008)
  • My Best Friend's Girlfriend (2008)

Mga Parangal

  • Best New Female TV Personality - 2006 20th PMPC Star Awards for TV
  • Favorite Television Actress - 2007 1st Annual Fil-Am Visionary Awards
  • Most Popular Actress in a Drama/Miniseries - 2008 4th USTV Students' Choice Awards para sa Mari Mar
  • Most Promising Female Star - 2008 38th Box Office Entertainment Awards
  • Phenomenal TV Star- 2008 38th Box Office Entertainment Awards
  • Best Local Female Star - 2008 Candy Magazine Candy Rap Awards

Mga Inendorsong Produkto

  • Sunsilk shampoo
  • Maxipeel
  • PLDT
  • Del Monte Fit 'n Right
  • Karimadon
  • Particles
  • Palmolive conditioner
  • Skin White
  • SkyFlakes

Mga Sanggunian

Mga Panlabas na Kawing