Marc Loinaz

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, pindutin ang link na ito.

Si Marc Loinaz ay isang Pilipinong imbentor mula sa New Jersey na nag-imbento ng one chip video camera. Tumanggap siya ng maraming parangal, naging co-author ng 13 sulatin, at may hawak ng 6 na U.S. patents.

Edukasyon

Siya ay nagtapos mula sa School of Engineering at Applied Science sa University of Pennsylvania at nagtamo ng digri sa Electrical Engineering. Kalaunan ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang karerang akademya sa Stanford, nagtamo ng doctorate sa parehong larangan na nakatuon naman sa mixed-signal CMOS IC.

Karera

Pagkatapos niyang makuha ang titulong doctorate, siya ay naging katangi-tanging miyembro ng Technical Staff sa High-Speed Physical Layer Design group ng Agere Systems. Gumawa sila ng transceivers sa SiGe para sa OC-192 at OC-768. Ayon sa kanya, ang paggawa sa Bell Labs ay para na ring pagkuha ng isa pang Ph.D. dahil ang trabaho doon ay kasing tindi rin at kamangha-mangha. Doon, ginawa niya ang seminal exploration na nagbigay daan sa pagkabuo ng camera chips na mayroon ngayon ang mga cell phones. Nakatanggap siya ng maraming parangal para sa kaniyang gawa pero nang hindi gaanong nagpakita ng interes ang Bell Labs sa pagkalakal ng teknolohiyang ito, nakaramdam siya ng pagkabigo.

Dahil dito, noong 2001, nagbitiw siya sa trabaho, ibinenta ang kaniyang bahay sa New Jersey at lumipat sa Silicon Valley upang sumama sa isang grupo ng mga co-founders. Armado ng PowerPoint slides lamang, ang grupo ay nakapag-ipon ng venture capital mula sa New Enterprise Associates. Ang bago nilang kumpanyang Aeluros Inc. ay nagsimulang magdisenyo, at mag-manufacture ng CMOS 10Gb/s Ethernet communication chips na ginagamit ngayon sa mga data centers ng ilan sa mga malalaking web companies para magkonek sa iba’t-ibang servers.

Noong 2007, matapos pumaibabaw sa posisyon sa merkado sa 10Gb/s Ethernet transreceivers, ang Aeluros ay nakuha ng NetLogic Microsystems kung saan patuloy siyang naglingkod bilang Direktor ng Integrated Circuit Design. Noong 2013, nakuha naman ng Broadcom Corporation ang NetLogic at patuloy niyang pinamahalaan ang team ng circuit designers na patuloy na gumagawa para abutin ang hangganan ng high-speed analog at digital electronics.

Mga parangal at Pagkilala

  • 1998 Best Paper Award, IEEE Journal of Solid-State Circuits
  • 1999 Award for Technological Innovation, Discover Magazine
  • 2000 Distinguished Technical Staff Award, Bell Labs

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.