Mara Clara
Ang Mara Clara ay isang prime time dramang pantelebisyong umere sa ABS-CBN. Ito ay isang remake mula sa orihinal na seryeng pantelebisyon ni Emil Cruz Jr. na una nang naipalabas noong 1992. Sa bagong bersyon, si Kathryn Bernardo ang gumaganap na Mara (dating ginampanan ni Judy Ann Santos at si Julia Montes naman ang gumaganap bilang Clara (dating ginampanan ni Gladys Reyes). Sa ngayon ay nangunguna sa primetime ratings ang serye.
Buod
Bagong panganak pa lang sina Mara at Clara ay pinagpalit na sila sa ospital. Ang mga detalye ng pangyayaring ito ay naisulat sa talaarawan ni Karlo, isang tauhan sa ospital at tunay na tiyo ni Clara. Si Mara ay lumaki sa pangangalaga ng mahirap na mag-asawang sila Susan at Gary David. Si Clara naman ay lumaki na ang kinikilalang magulang ay ang mayamang mag-asawa na sina Amante at Alvira del Valle. Tanging sila Gary at Karlo ang nakakaalam ng katotohanan. Labinlimang taon ang nakalipas at lumaking mabait at masunuring anak si Mara, samanatalang si Clara nama'y lumaki sa layaw at naging makasarili. Kinuhang kasama sa bahay nina Alvira at Amante si Mara at siya'y pinaaral. Wala silang kamukat-mukat na ang kinuha pala nilang kasambahay ay ang kanilang tunay na anak. Naging magkaeskuwela sila Mara at Clara. Noong una, sinusungitan ni Clara si Mara ngunit kinalaunan, naging matalik silang magkaibigan nang naging magkatambal sila sa isang paligsahan. Nagbago ang lahat ng ito nang magkakilala sina Mara at Christian at yumabong ang espesyal nilang pagtingin sa isa't isa. Lingid sa kanilang kaalaman, may lihim na pagtingin din si Clara kay Christian at handa niyang gawin ang lahat upang mapasakanya ang binata. Nang malaman ni Clara na ang iniibig ni Christian ay hindi siya kundi si Mara, nagselos ang dalaga at dito nagsimula ang pagkapoot niya kay Mara.
Mga Tauhan
Pangunahing Tauhan
- Kathryn Bernardo bilang Mara
- Julia Montes bilang Clara
Sumusuportang mga tauhan
- Jhong Hilario bilang Gary David
- Dimples Romana bilang Alvira del Valle
- Bobby Andrews bilang Amante del Valle
- Ping Medina bilang Karlo David†
- Chokoleit bilang CG
- Albie Casiño bilang Christian Torralba/Utoy
- John Manalo bilang Erris Reyes
- Carlos Diego Loyzaga bilang Derick
- Jamilla Obispo bilang Lenita Santos† Makapal na panitik
- Dido de la Paz bilang Lover Boy†
- Arnel Carrion bilang Bossing
- Izzy Canillo bilang Batang Karlo David
- Francis Magundayao bilang Batang Gary David
Mga kasama sa produksyon
- Mga Direktor: Jerome Chavez Pobocan at Claudio "Tots" Sanchez-Mariscal IV
- Executive Producer: Rommel John A. Alavazo
- Associate Producer: Marissa Kalaw
- Creative Manager: Ma. Regina Amigo
- Production Manager: Ethel Manaloto-Espiritu
- Production Assistants: Emerald Silvestre, Jesusa Canilang
Sanggunian
- About Mara Clara ABS-CBN.com (Sinilip noong 15 Abril 2011)
- Quintos, Napoleon. Mara Clara aims to please new viewers and fans of the original series. ABS-CBN.com (Sinilip noong 15 Abril 2011)
- [http://www.imdb.com/title/tt1758290/ Mara Clara (TV Series 2010). IMDb.com (Sinilip noong 15 Abril 2011)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |