Manny Lopez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Manny Sto. Domingo Lopez ay isang ekonomista, propesyonal sa larangan ng pamamahala ng mga pribado at pampublikong negosyo. Si Lopez ay isa sa mga may katungkulan sa Labor Party of the Philippines, kilala rin bilang Workers and Peasants Party. Siya ay kumakandidato bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022.

Personal na Buhay

Si Lopez ay isinilang sa Moncada, Tarlac. Siya ay apo ni Don Silvino Lopez, kilalang Abogado de Campanilla” ng Katipunan at isa sa mga tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente. Ang kaniyang ama naman na si Rizalino Espejo Lopez ay isang inhenyero at magsasaka na naglingkod bilang administrador sa National Electrification Administration. Ang kaniyang ina na si Olivia Pamintuan Sto. Domingo -Lopez ay isang guro sa pampublikong paaralan na naging negosyante at aktibong kasapi ng Catholic Women’s League.

Edukasyon

Si Lopez ay nagtapos sa Notre Dame Elementary School (1971), sa San Beda High School (1975), at sa Unibersidad ng Pilipinas, major sa Economics and Political Science (1981). Nag-aral din siya mh Management sa University of California, Los Angeles (1891–1893).

Lumahok siya sa iba‘t ibang seminar at pagsasabay na may kinalaman sa teknolohiya, management, ekonomiya, negosyo, at siyensiya sa iba’t ibang institusyon sa loob at labas ng bansa.

Siya ay kasalukuyang vice chairman ng Labor Party Philippines (LPP) National Advisory Board. Siya rin ang opisyal na kandidato ng partido sa pagkapangalawang pangulo.

Mga Sanggunian

Workers and Peasant Party. https://mannysdlopez.com/

“VP aspirant Manny Lopez shares strategies for economic recovery.” Cebu Daily News, 4 Nobyembre 2021. https://cebudailynews.inquirer.net/409903/vp-aspirant-manny-lopez-shares-strategies-for-economic-recovery. Accessed 1 Marso 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.