Manili Massacre

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Manili massacre ay ang pagpatay sa nasa 70 Moro Muslim, kabilang ang mga babae at bata, sa loob ng isang mosque sa Manili sa bayan ng Carmen sa North Cotabato.

Nangyari ang insidente noong ika-19 ng Hunyo 1971. Nagtipon ang mga Muslim na residente ng bayan sa isang mosque para pag-usapan ang peace talks kasama ang mga grupong Kristiyano nang bigla silang paulanan ng bala ng mga armadong lalaking nakasuot ng unipormeng katulad ng uniporme ng Philippine Constabulary.

Pinaghihinalaang mga miyembro ng Ilaga militant group ang nasa likod ng pag-atake, pero mayroon ring mga alegasyon na nakipag-ugnayan ang Ilaga group sa Philippine Constabulary. Walang napatunayang nagkasala sa insidente. Pinalaya ang pangunahing suspek sa insidente na si Feliciano Lucas, kilala rin bilang "Commander Toothpick", matapos siya umanong sumuko kay Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Malacañang.

Naging mitsa ang insidente ng mas matinding alitan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Dahil sa insidente, nagpadala ng tulong sa Moro National Liberation Front si Muammar Gaddafi ng Libya.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.