Manatiling Malusog Ngayong Pasko

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Julaftonen av Carl Larsson 1904.jpg

Kasiyahan. Halakhakan. Pagkain. Inumin. Puyat , pagod at kawalan ng sapat na pahinga- ang mga ito ang karaniwang nagaganap sa tuwing sasapit ang buwan ng selebrasyon ng Pasko. Ayon sa babala ng Kagawaran ng Kalusugan, hindi sapagkat pasko naman ay maaari nang kalimutan ang wastong paraan ng pagkain na kalimitan ay hindi makabubuti sa katawan ngayong kapaskuhan. Ang Noche Buena ay sumisimbolo ng masayang pagsasalu-salo ng pamilyang Pilipino. Kaya nga ba’t sinasabing dito nagsisimula ang “no holds- barred” na piyesta ng pagkain. Mula sa lechon, kare-kare, crispy pata, ham at lahat ng klaseng matatamis ay nakahain sa mesa. Kung hindi mag-iingat sa pagkain, tiyak na mauuwi ang pagpapabaya sa pagkakasakit.

Prutas at Gulay pa rin

Sinabi ni Imelda A. Agdeppa, isang health expert sa Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na ang prutas at gulay pa rin ang pinakamainam na kainin dahil sa may mataas na nutrisyon ang mga ito. Ngunit hindi naman ibig sabihin na isasantabi na lamang ang katakam-takam na hamon at queso de bola. Maaaring kumain ng kahit na anong pagkain sa sapat na dami. Sabi nga, “ do everything in moderation.” Kumain nang maayos at gawing kasiya-siya ang bawat pagsubo. Maaaring kumain ng fruit salad, halaya, macapuno, at ice cream ngunit gawing katamtaman lamang. Hanggat maaari ay hwag nang bumalik pa sa mesa upang umulit pa ng ikalawang kuha.

Alak at Sigarilyo

“Eat, drink and be merry,”, ayon sa tradisyunal na pagdiriwang ng mga Pinoy ng kapaskuhan ang walang katapusang handaan, bumabahang alak at pagkain at walang patumanggang paninigarilyo. At hindi ito maganda para sa kalusugan. Pinaalalahanan ng mga eksperto ang mga smokers sa pagkakasakit ng lung cancer, chronic bronchitis, emphysema, at ischemic heart disease. Ang malabis na pag-inom naman ng alak ay maaaring maging daan upang magdagdag ng timbang na nagreresulta sa malabis na katabaan, kakulangan sa nutrisyon, pagtaas ng truglycerides, hypertension, erratic blood glucose level, at iba pang seryosong pagkakasakit na gaya ng cirrhosis of the liver, cardiovascular diseases, at iba pang uri ng kanser. Naiulat sa 2000 Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF), ang “moderate alcohol consumption” ay nangangahulugan ng hindi hihigit sa isang bote ng alak para sa kababaihan at hindi hihigit sa dawalang bote ng alak para sa kalalakihan.

Binigyang-babala pa rin ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga may hypertension at high cholesterol na umiwas sa matatabang pagkain. Ayon kay Dr.Yolanda Oliveros, direktor ng National Center for Disease and Prevention Control, ang malalangis at mga pagkaing sagana sa taba ay namimiligrong ilagay sa tiyak na panganib ang mga may high blood pressure na ma-stroke, maatake sa puso, at magkaroon ng arterial aneurysm.

Pag-iingat sa Kalusugan

Ipinapayo ang pagbalik sa “normal” na pagkain matapos ang selebrasyon ng Kapaskuhan. Mag-ehersisyo. Kung dati nang nagwo-work out, magkaroon ng isang masiglang ehersisyo isang araw bago ang masarap na kainan. Makakatulong ito upang masunog ang mga extra calories nang mahusay. Ipinapayo din ang pag-inom ng maraming tubig at fruit juices. Tandaan lamang na ang mabuting kalusugan ay ang pinakamahalagang regalo na maaari ninyong ibigay sa inyong sarili ngayong pasko.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.