Maja Salvador

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Maja Ross Andres o Maja Salvador ay isa sa mga pinakabatang aktres na nagmula sa angkan ng Salvador na kilala sa larangan ng syobis. Ngunit sa ngayon ay pinaghihirapan niya rin ang kanyang mga trabaho at unti-unti na niyang pinapatunayan niya na kaya niya ring sumikat dahil sa sariling kahusayan.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 5 Oktubre 1988, anak siya ni Thelma Andres at ng artistang si Ross Rival, na kapatid ni Phillip Salvador. Ngunit sanggol pa lamang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang.

Huli niyang nakita ang kanyang ama noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Matapos nito ay ninais na niyang makita ang kanyang ama.

Lumaki si Maja sa Apari, Cagayan at nag-aral sa San Benildo Integrated School. Sa ngayon, ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa ABS-CBN Distance Learning Center.

Sa ngayon, mayroon nang panibagong asawa ang kanyang ina, na kinikilala na rin niya bilang pangalawang ama, dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanyang trabaho.


Sa Syobis

Simula

Bago pa man siya makapasok nang tuluyan sa syobis, nag-umpisa siyang magpaturo sa pagmomodelo. Dito ay nakilala niya si Farrah Ramos, na anak ng kilalang kolumnista at talent manager na si Chit Ramos.

Nang magakakilala sila ay nabanggit niyang nais niyang makita ang kanyang ama na matagal na niyang hindi nakakasama. Tinawagan ni Ramos ang kanyang tiyo, si Phillip Salvador, at pinag-usap silang dalawa.

Nagsimula siyang lumabas sa telebisyon nang manawagan siya sa kanyang ama sa pamamagitan ng programang The Buzz ng ABS-CBN at nang di magtagal ay ipinakita rin dito ang kanilang pagkikita ng kanyang ama matapos ang ilang taon. Dito ay nakita siya ni Charo Santos-Concio at kinausap siya. Matapos noon ay pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Taong 2003 nang nagsimula na rin siyang magkaroon ng mga proyekto. Ang pinakauna nga ay ang It Might Be You na kung saan ipinareha siya kay John Prats buwan ng Pebrero.

Pagsikat

Magmula noon ay nagkaroon na siya ng napakaraming proyekto sa telebisyon at sa pelikula. Matapos ang una niyang palabas, ay nagkaroon na uli ng panibago, Spirits na kung saan isa siya sa mga bida. Napasama rin siya sa pelikulang First Day High kasama ang ilan pang mga sumisikat na batang artista. At sa kanyang mga nilabasang palabas ay nagkaroon na rin siya ng iba't ibang kapareha, na mas nakakatulong para sumikat siya sa sarili niyang pangalan. Marami na rin siyang mga produktong ineendorso.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan

Mga Pelikulang Tinampukan

Mga Parangal

  • Google's Most Searched Local Female Actresses
  • German Moreno Youth Achievement Award - 2007 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences FAMAS Awards para sa Sukob
  • Breakthrough Performance by an Actress - 2007 Entertainment Press Society, Inc.'s (ENPRESS) Golden Screen Awards para sa Sukob
  • Most Promising Female Star - 2006 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) Box-Office Entertainment Awards
  • Next Big Female Star - 2006 YES! Magazine Reader's Choice Award

Mga Inendorsong Produkto

  • Sunsilk shampoo
  • Folded & Hung
  • Banana Peel
  • Sun Cellular
  • Navy/White Tops

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Salvador Salvador