Maja Blanca

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Majablanca.jpg

Ang Maja Blanca, o tinatawag ding Coconut Cake sa Ingles, ay kilala bilang isang pagkaing Pilipino na gawa sa gata ng niyog at cornstarch. Ang panghimagas na ito ay kilala ng bawat Pilipino.

Paraan ng Paggawa

Mga Sangkap

  • kalahating tasa ng malapot gata ng niyog
  • isang tasa ng harina
  • isang tasa ng asukal
  • kalahating tasa ng cornstrch
  • tatlong kutsara ng sweet corn kernel
  • apat na tasang ng gata

Proseso

Una, pakuluan ang malapot na gata ng niyog sa isang kawali hanggang sa lumabas ang mantika nito at maging kulay brown o maging latik. Ihiwalay ang mantika sa latik. Punasan ng mantika ang isang lalagyan.

Sa isang kawali, paghaluin ang harina, asukal, sweet corn kernels, cornstarch at ang gata ng niyog. Pakuluin ito at patuloy na haluin hanggang sa maging banayad ito at mawala ang mga buo-buo. Pagkatapos, ilagay ito sa lalagyang pinunasan ng konting mantika at hayaan ito roon hanggang sa panatag ito. Ibudbod ang latik at hintaying lumamig bago hiwain at hati-hatiin.

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.