Unang Pahina
|
Tampok na Artikulo
Ang sandugo ay ang tradisyonal na kasunduan na pinatutunayan ng pag-iisang dugo. Ito ay higit na tumutukoy sa ginawang pag-iisang dugo ng Espanyol na si Miguel López de Legazpi at Boholanong si Datu Sikatuna noong 16 Marso 1565 sa Bohol upang selyuhan ang kanilang pagkakaibigan. Pinasok ni Legazpi ang kasunduan upang tiyaking maayos na pakikitungo sa kanila ng mga katutubo. Ito ang sinasabing unang kasunduang internasyonal sa pagitan ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi, ang mga Pilipino at ang mga Espanyol.
Ang sandugo ay tampok sa opisyal na watawat ng lalawigan ng Bohol, maging ng simbolo ng kapayapaan ng mga Boholano. Ito rin ang nakalagay sa watawat ng Lungsod ng Tagbilaran.
Protagonista
Sa Noli Me Tangere, si Maria Clara ay ipinakilala bilang nag-iisang anak nina Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit taliwas sa itsura ng pinaniniwalaang ama, siya ay ipinanganak na mestisa. Nang magdalaga, marami ang humanga sa taglay na kagandahan ni Maria Clara, idagdag pa rito ang karangyaan ng kaniyang pamilya.
Naging magkasintahan sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara na mula pagkabata ay naging magkaibigan. Si Maria Clara ay may dalisay na pagmamahal sa kasintahan. Taglay niya ang pag-uugali ng pagiging sinaunang Pilipina, mahinhin at supil ang damdamin. Marami ang humahanga sa taglay na kagandahan ng dalaga. Dagdag pa rito, isa siyang anak ng pinakamayaman sa kanilang lugar. Marami siyang kaibigan. Marami ang nag-aalala sa kaniyang kalagayan. Bago umalis si Crisostomo patungong Europe, nagkasundo na sina Don Rafael, ama ni Crisostomo, at Kapitan Tiago na ipakasal ang dalawa.
Taas-Noo Pilipino
Si Maria A. Ressa (ipinanganak noong Oktubre 2, 1963) ay isang mamamahayag at Pilipina-Amerikanang manunulat. Nakilala bilang isa sa mga nagtatag ng Rappler bilang punong ehekutibo nito. Naglaan siya ng halos dalawang dekada sa pagtatrabaho bilang isang pangunahing mapanuring mamamahayag (lead investigative reporter) sa Timog-silangang Asya para sa CNN. Inilalarawan si Ressa bilang marahil ang "pinakakilalang mamahayag ng Pilipinas".
Tatak Pinoy!
Katawaga sa anumang pagkaing luto mula sa malagkit o gala-pong at karaniwang binubudburan ng niyog. Halimabawa nito ang bibingka, puto, at kutsinta.
Tampok na Video
Ang Pambansang Buwan ng Kababaihan ay isa sa mahahalagang pagdiriwang sa Pilipinas na nagsusulong at nagpupunyagi sa mga tungkulin, karapatan, at kahalagahan ng kababaihang Pilipino sa kultura, kasaysayan, at kasalukuyang estado ng bansa. Ang pagdiriwang na ito ay bunga ng Proklamasyon Blg. 224 noong 1988 na nagdedeklara sa unang linggo ng Marso bilang Linggo ng Kababaihan at Marso 8 naman bilang paggunita sa Araw ng Karapatan ng Kababaihan at Pandaigdigang Kapayapaan. Sa taon ding ito nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 227 na nagtatalaga sa Marso bilang Buwan ng Tungkulin sa Kasaysayan ng Kababaihan. Makalipas ang dalawang taon, 1990, idineklara ang Marso 8 ng bawat taon bilang Pambansang Araw ng Kababaihan.
Pamahalaan at Mamamayan
Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon. Napagigitnaan ito ng Rehiyon I (Ilocos) at ng Rehiyon ng Cagayan Valley. Ang salitang cordillera ay nagmula sa Spanish na nangangahulugang “bulubundukin.” Ang bulubundukin ay tumutukoy sa lugar kung saan maraming bundok ang nakapalibot.
Ang kabuoang rehiyon ay kinalalagyan ng bulubundukin na kung tawagin ay Cordillera Central. Isang napakagandang tanawin ng kabundukan ang mamamasdan kung maglalakbay sa rehiyon.
Alam mo ba...
Ang pahayag na "Mabilis pa sa Alas-kwatro" ay ipananganak noong 1902 sa Plaza Lawton (na ngayon ay kilala bilang Liwasang Bonifacio) nang may itayong planta ng yelo rito. Ito ay may 10 palapag na chimney at pinatatakbo ng San Miguel Brewery.
Upang magbigay ng hudyat, mayroon itong sirena na tumutunog nang tatlong beses sa isang araw; una ay tuwing 7:00n.u. bilang takda ng panimula ng pagtatrabaho; sunod ay sa pagpatak ng alas dose— oras ng pananghalian; at panghuli, tuwing 4:00n.h. bilang hudyat ng pagtatapos ng oras ng trabaho. Sa huling alingawngaw ng sirena, pumipila na ang mga trabahante ng pabrika sa labasan upang mag-log out. At dahil sa inaabangan ito ng lahat at dinudumog ng tao, nagiging mahaba ang pila palabas— mas natatagalang makauwi ang mga trabahante— dahilan upang pumila nang mas maaga pa sa alas kwatro ang mga tao na siyang pinagmulan ng katagang mabilis pa sa alas kwatro.
Talas Salita
Ang salitang Dayang ayon sa Diksiyonaryong Filipino ng Komisyon ng Wikang Filipino [Online] ay ang katawagan sa babaeng maharlika o prinsesa ng mga Muslim.
Mga Epesyal na Pórtal
![]() |
Aklas Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
|
![]() |
Pista Piyesta Opisyal ng Pilipinas
|
![]() |
Moda Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
|
![]() |
Edukasyon Edukasyon sa Pilipinas
|
![]() |
Panitikang Pilipino Panitikan ng Pilipinas
|
![]() |
Komiks Mundo ng Komiks
|
![]() |
Musika Original Pilipino Music
|
![]() |
Travel Guide Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
|
![]() |
Mga Pambansang Pagkilala Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
|
![]() |
Kusina Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
|
![]() |
Pelikula Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
|
![]() |
Kababaihang Pilipino Mabuhay ang mga Eba!
|
![]() |
Chikiting Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
|
![]() |
Laro Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
|
![]() |
Rizaliana Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
|
![]() |
Nostalhiya Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
|
![]() |
Etniko Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
|
![]() |
Libro Bakit hindi mo subukang basahin ito?
|
![]() |
Teleserye Mga teleseryeng Pilipino!
|
![]() |
Flora at Fauna Flora at Fauna ng Pilipinas
|