Maguindanao

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Maguindanao (pagbigkas: ma•gín•dá•naw) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Awtonomong Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika (NSO, Mayo 2000), ito ang may pinakamalaking populasyon ito sa rehiyon. Mabundok ang hilagang bahagi nito maliban sa bahaging nakapaligid sa Lungsod Cotabato. Agrikultural ang lalawigang ito. Mais, palay at niyog ang mga pangunahing produkto ng lalawigang ito.

Heograpiya

Matatagpuan ang Maguindanao sa gitnang bahagi ng Mindanao, at napapalibutan ng Lanao del Sur sa hilaga, Cotabato sa silangan, Sultan Kudarat sa timog, at Look ng Illana sa kanluran.

Mga paghahating pampangasiwaan

Ang lalawigan ng Maguindanao ay nahahati sa 36 mga bayan, na nahahati sa 506 na barangay. Karaniwang sinasama sa Maguindanao ang Lungsod ng Cotabato, ngunit malaya ito sa lalawigan.

May dalawang distritong pambatas ang Maguindanao. Dating kinilala bilang hiwalay na lalawigan ang unang distrito, na isinabatas ng Batasang Panrehiyon ng Rehiyong Autonomo sa Muslim na Mindanao bilang Shariff Kabunsuan noong Oktubre 2006. Ngunit ipinawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang paglikha ng lalawigang ito noong Hulyo 2008, sa batayang nasa kapangyarigan ng lehislatura ng Pilipinas ang paglikha ng isang lalawigan. Binalik ang dating teritoryo ng lalawigan sa Maguindanao.

Nasaksihan ng lalawigan ang kamakailang pagtatag ng bagong mga bayan, lalo na noong dekada-2000. Winika ng noo'y kalihim ng Batasang Kapulungan ng ARMM na si Dick Mali na makatutulong ang gayong mga pagtatag sa “pagbabahagi at pagkalat ng mga gawain at yaman” at makabibigay sa mga tao ng “mas-matalab na pampublikong paglilingkod at pamamahala mula sa kanilang pampublikong mga opisyal.” Subalit ayon kay Benedicto Bacani ng Surian ng Autonomiya at Pamamahala sa Pamantasang Notre Dame, ang gayong mga hakbang ay mga pamamaraan upang maiwasan ang posibleng mga sigalot sa pagitan ng mga pamilyang pampolitika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga yunit ng lokal na pamahalaan kung saang magkakaroon sila ng mga puwesto sa pamahalaan.[1]

Ipinapanukalang paghahati ng lalawigan

Inihain ni dating Kinatawan Bai Sandra Sema (na pinagbawalan na tumakbo para sa isa pang termino sa kaniyang kasalukuyang distrito sa taong 2019 sang-ayon sa batas) ang Panukalang Batas Bkg. 5185 sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Marso 2, 2017. Nilayon nitong makapagtatag ng Maguindanao North, isang bagong lalawigan na binubuo ng 11 bayan at 2 distritong pambatas, kung saang Datu Odin Sinsuat ang magiging kabisera.[2] Kamakailang naghain ang pumalit sa kaniyang si Kinatawan Datu Roonie Sinsuat, Sr. ng isang bagong panukalang batas na naglalayog magtatag ng parehong lalawigan, pero tatawagin na itong Kanluraning Maguindanao (Template:Lang).


Tingnan din

Talababa


Talasanggunian

Mga kawing panlabas

Template:GeoGroup

Template:Geographic location

  1. Sema, Bai Sandra Sinsuat A. (2 March 2017). House Bill No. 5185 - An Act Creating the Province of Maguindanao North. Retrieved on 8 September 2017.