Magdalena Gamayo
Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Magdalena Gamayo.
Si Magdalena Gamayo ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa paghahabi ng tradisyunal na telang abel o inabel ng Ilocos. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2012.
Tubong Pinili, Ilocos Norte si Gamayo, na ipinanganak noong ika-13 ng Agosto, 1924. Una niyang natutunan ang paghahabi sa edad na 15, habang pinapanood ang kaniyang mga tiyahin sa paghahabi. Mula noon, ipinagpatuloy ni Gamayo ang paghahabi ng abel, na kaniyang ginagawa sa loob ng 80 taon.
Kilala si Gamayo sa kaniyang mga tradisyonal na padrong binakol, inuritan, sinan-sabong at kusikos. Sa kabila ng kaniyang edad, patuloy pa rin sa paghahabi si Gamayo ng mga inabel na may mataas na kalidad.
Kinilala si Gamayo bilang Manlilikha ng Bayan noong 2012. Kasalukuyang may mga klase sa paghahabi para sa mga gustong matuto nito sa bayan ng Pinili sa Ilocos Norte.
Mga Sanggunian
- Tobias, Maricris Jan National Living Treasures: Magdalena Gamayo
- Santiago, Chesta Magdalena Gamayo: Weaving History and Inabel for Over 80 Years
- Diaz-Sabado, Joanna Wearing your culture with an Inabel mask
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |