Macario Asistio Jr.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Macario "Boy" Asistio Jr. (6 Abril 1936 - 6 Pebrero 2017) ay isang politikong Pilipino. Nagsilbi siya bilang alkalde ng lungsod ng Caloocan sa Metro Manila mula 1980 hanggang 1986, sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Muli siyang nahalal noong 1988 at nagsilbi hanggang 1995. Tumakbo siya sa pagkaalkalde sa halalan noong 2013 at 2016 ngunit nabigo siya sa parehong pagkakataon. Ang kaniyang amang si Macario Asistio Sr. ay alkalde rin ng Caloocan mula 1962 hanggang 1971.

Personal na Buhay

Naging kinakasama ni Asistio ang mga aktres na sina Veronica Jones at Nadia Montenegro. Mayroon siyang limang anak kay Jones at pitong anak kay Montenegro. Mayroon din siyang dalawang anak sa mang-aawit na si Jhoanna Garcia, at 22 iba pang mga anak sa 4 na iba pang dating asawa.

Kalusugan at Kamatayan

Noong Hunyo 2013, dinala sa ospital si Asistio dahil sa sleep apnea. Pumanaw siya noong ika-6 ng Pebrero 2017 sa edad na 80 sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.