Lupain ng Punt

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lupain ng Punt, o Pwenet at Pwene[1] para sa sinaunang mga Ehipto, na minsan ding nagiging katumbas ng Ta netjer, ang "lupain ng diyos"[2] ay isang maalamat na pook sa Sungay ng Aprika. Kilala ito sa paggawa at pagluluwas ng ginto[3], mga aromatikong resin o dagta, Aprikanong itim na kahoy, kamagong, garing[3], mga panimpla[3], mga alipin, at mababangis na mga hayop.[4] Natagpuan sa mga talaan ng sinaunang Ehipto ang kabatiran hinggil sa mga misyon ng pangangalakal sa rehiyong ito. Kabilang sa mga ito ang dalawang ekspedisyong pandagat, sa halip na sa pamamagitan ng paglalakbay sa lupa, na ipinadala ng mga sinaunang pinuno ng Ehiptong sina Mentohotep III at Reyna Hatshepsut. Sa ngayon, ito ang kinalalagyan ng pangkasalukuyang Etiyopiya, Djibouti, at Somalya.[3]

Mga sanggunian

  1. Ian Shaw at Paul Nicholson, The Dictionary of Ancient Egypt, Palimbagan ng Museo ng Britanya, Londres. 1995, pahina 231.
  2. Breasted, John Henry (1906-1907), Ancient Records of Egypt: Historical Documents from the Earliest Times to the Persian Conquest, tinipon, pinatnugutan, at isinalinwika, may kumentaryo, pahina 433, tomo 1
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Template:Cite-WWT, (...) "It was rich in gold, ivory, and spices, pahina 12.
  4. Shaw at Nicholson, pahina 231.

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Lupain ng Punt. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.