Lungsod San Juan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod San Juan ay isang maliit na lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Nasa hilaga at silangan ng San Juan ang Lungsod Quezon, ang Lungsod Mandaluyong sa timog, at ang Lungsod Maynila sa kanlurang bahagi.

Sa San Juan matatagpuan ang “Pinaglabanan Shrine”, ang lugar na unang nagkaroon ng labanan ang mga Katipunero at ang mga Kastila noong panahon ng himagsikan.

Mga barangay

Ang Lungsod San Juan ay may 21 barangay:

  • Addition Hills
  • Balong-Bato
  • Batis
  • Corazon De Jesus
  • Ermitaño
  • Halo-halo (St. Joseph)
  • Isabelita
  • Kabayanan
  • Little Baguio
  • Maytunas
  • Onse
  • Pasadeña
  • Pedro Cruz
  • Progreso
  • Rivera
  • Salapan
  • San Perfecto
  • Santa Lucia
  • Tibagan
  • West Crame
  • Greenhills

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.