Lungsod Parañaque
Isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo sa Kalakhang Maynila ang Lungsod Parañaque. Ito ay nasa hanggahan ng Lungsod Pasay sa hilaga, ng Lungsod Taguig sa hilagang-silangan, ng Lungsod Muntinlupa sa timog-silangan, ng Lungsod Las Piñas sa timog-kanluran, at ng Look Maynila sa kanluran. Naging ganap na lungsod ang Parañaque noong 15 Pebrero 1998.
Nahahati sa dalawang distrito ang Lungsod Parañaque. Hinati ang dalawang distrito sa 16 barangay. Kabilang sa barangay ng unang distrito ang Baclaran, Don Galo, La Huerta, San Dionisio, San Isidro, Sto. Niño, Tambo, at Vitalez. Kabilang sa barangay ng Iikalawang distrito ang B.F. Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Martin de Porres, at Sun Valley.
Ugat ng Salita
Maraming bersiyon ang pinagmulan ng salitang "Parañaque." Una, hango umano iyon sa salitang "palanyag" na nangangahulugang "mahal ko." Ikalawa, hango umano ito sa kuwento hinggil sa Kastilang sumakay ng karwahe, at pinara ang sasakyan sa pagsasabing "Para aqui, para aqui" ngunit hindi naunawaan ng kutsero ang winiwika ng pasahero kaya pinalo pa lalo ng nito ang kabayo saka pinahagibis ang karwahe. Ang iba pang posibleng ugat ng "Parañaque", ayon kay Dulce Festin-Baybay, ay "patanyag" na mula sa "tanyag" o "sikat"; at "para na aque" na pinaghalong Tagalog at Espanyol na nangangahulugang "Huminto ka, lalaki!"
Relihiyon
Nakatayo ang simbahan ng Baclaran na siyang pinamumunuan ng mga paring Redemptorist sa Parañaque. Romano Katoliko ang pangunahing relihiyon sa Parañaque ngunit malaya ring magsagawa ng mga pagsamba ang may ibang pananampalataya.
Wika
Filipino ang pangunahing wika ng mga taga-Parañaque at kanilang paraan ng komunikasyon. Nakaiintindi sila ng wikang Ingles na siyang ginagamit sa iba pang transaksiyon sa negosyo at iba pang larangan.
Araw ng Parañaque
13 ng Pebrero ang araw ng Parañaque
Mga barangay
Ang Lungsod Parañaque ay may 16 na barangay, na nahahati sa dalawang distrito:
Unang Distrito
|
Ikalawang Distrito
|
Sanggunian
- Parañaque (hinango noong 20 Nobyembre 2007)
- National Statistics Office (hinango noong 20 Nobyembre 2007)
- City of Parañaque (hinango noong 20 Nobyembre 2007)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |