Lungsod Marikina

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kilala bilang Shoe Capital of the Philippines ang Lungsod Marikina. Kabilang ang Marikina sa mga lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila, at matatagpuan ito sa hanggahan ng Lungsod Quezon sa kanluran, Lungsod Pasig at Cainta, Rizal sa katimugan, Lungsod Antipolo na kapitolyo ng Lalawigan ng Rizal sa silangan, San Mateo.

Maipagmamalaki ng Marikina ang malilinis nitong kalye, kanal, palengke, liwasan, at iba pang imprastruktura at pasilidad, bukod sa mga disiplinadong mamamayan, mula nang manungkulan bilang alkalde si Bayani Fernando. Ang kasalukuyang alkalde ay ang kanyang asawa na si Marides Fernando.

Mga barangay

Ang Lungsod Marikina ay may 16 na barangay, na nahahati sa dalawang distrito.

Unang distrito

  • Barangka
  • Calumpang
  • Industrial Valley
  • Jesus Dela Pena
  • San Roque
  • Sta. Elena (Poblacion)
  • Santo Niño
  • Tañong

Ikalawang distrito

  • Concepcion Uno
  • Concepcion Dos
  • Fortune
  • Malanday
  • Marikina Heights
  • Nangka
  • Parang
  • Tumana

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.