Luksong Tinik
Jump to navigation
Jump to search
Ang Luksong Tinik ay isa sa mga popular na larong Filipino, na nilalaro ng dalawang koponan na may parehas na bilang. Ang bawat koponan ay mamimili ng pinuno na malimit na kakayahang pinakamataas tumalon sa grupo, na kung tawagin ay “Nanay”.
Makatapos mamili ng “Nanay”, at mamili kung sino sa dalawang koponan ang mag-uumpisa ng laro. Dalawang manlalarong magkaharap ang pagdirikitin ang kanilang mga talampakang magsisilbing “tinik”. Magsisimulang magsipagtalon ang bawat miyembro ng kabilang koponan sa ”tinik”, hanggang makatalon ang huling kasapi. Kung sakali't walang tumama sa “tinik” ay daragdagan ang pagpapataong ng mga kamay hanggang tumaas ang tinik.
Sanggunian
- Hagonoy.com (hinango noong 28 Disyembre 2007).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |