Luis Villafuerte Sr.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Luis Robredo Villafuerte Sr. (29 Agosto 1935-8 Setyembre 2021) ay isang Pilipinong politiko na nagsilbi bilang gobernador at kinatawan ng Camarines Sur sa House of Representatives.

Nagsimula ang karera sa politika ni Villafuerte nang maging miyembro siya ng Batasan Pambansa bilang isang assemblyman mula 1978 hanggang 1986. Nagsilbi rin siyang Minister of Trade sa panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos mula 1979 hanggang 1981.

Sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino, naging kalihim ng Government Reorganization si Villafuerte.

Nagsilbi bilang gobernador ng Camarines Sur si Villafuerte sa loob ng labinlimang taon, mula 1986 hanggang 1992, at muli noong 1995 hanggang 2004. Naging kinatawan naman siya ng ikalawang distrito ng Camarines Sur mula 2004 hanggang 2010, at ng ikatlong distrito mula 2010 hanggang 2013.

Si Villafuerte Sr. ang ama ng kasalukuyang kinatawan ng ikalawang distrito ng Camarines Sur na si Luis Raymund "LRay" Villafuerte Jr. Apo naman niya ang kasalukuyang gobernador ng Camarines Sur na si Miguel Luis "Migz" Reyes Villafuerte.

Pumanaw si Villafuerte noong ika-8 ng Setyembre 2021 sa edad na 86.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.