Luis P. Gatmaitan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Luis P. Gatmaitan, kilala rin bilang Tito Dok, ay isang manggagamot at manunulat ng mga kathang pambata. Siya rin ay kolumnista at host sa radyo. Siya ay mas kilala sa kanyang Mga Kwento ni Tito Dok, isang pambatang aklat tungkol sa kalusugan at kalinisan, at Sandosenang Sapatos, isang maikling kathang pambata na nanalo ng Palanca Awards

Papuri

Nakapagpalathala na si Gatmaitan ng mahigit sa 30 kathang pambata na tumatalakay sa mahahalagang paksang pangkalusugan at kung paano makakaagapay rito. Ang kanyang Mga Kwento ni Tito Dok ay nabigyang papuri na ng Manila Critics Circle na nagsabing pinaigting niya ang interest ng mga bata sa siyensya ng medisina sa wikang kanilang mauunawaan, at sa kanyang malikhaing paglalarawan ng mga bagay na nangyayari sa katawan ng tao.

Iba pang Karangalan

Naluklok siya bilang isa sa mga Palanca Hall of Famer noong 2005 dahil kanyang mga unang gantimpalang nakamit. Nakatanggap din siya ng karangalan mula sa Catholic Mass Media Awards, Manila Critics Circle at Philippine Board on Books for Young People Salanga Prize. Siya ay hinirang ng Health Today Philippines Magazine bilang isa sa sampung 'Pillars of the Philippine Health Care Industry at bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines sa kanyang ambag sa literatura. Siya rin ay isang finalist sa 2004 Ten Outstanding Young Persons of the World (TOYP) search. Siya ay naging chairman na ng PBBY at ng Kwentista ng mga Tsikiting (KUTING).

Siya ay mapakikinggan tuwing Lunes ng umaga sa DZAS bilang medical consultant para sa programang Doctors On Line. Host din siya sa isang lingguhang programa sa radyo, ang "Wan Dey Isang Araw" at 702 DZAS AM.

Sanggunian