Lucio San Pedro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Lucio San Diestro Pedro (1913-2002), isang kompositor, konduktor at guro, ay Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ng Pilipinas. Tulad ng kaniyang pinsan na si Carlos "Botong" Francisco, ang kaniyang mga gawa ay naglalaman ng mga elemento na makikita sa kultura ng mga Pilipino. Ipinapakita ng kaniyang mga gawa ang pagkatao ng mga Pilipino.

Ipinanganak siya noong 11 Pebrero 1913 sa Angono, Rizal at supling nina Elpidio San Pedro at Soledad Diestro.

Edukasyon at Karera

Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas Konserbatoryo ng Musika noong 1932 at kumuha pa ng karagdagang pag-aaral sa Juilliard School of Music noong 1947.

Pagbalik niya sa Pilipinas, nagturo siya sa St. Scholastica's College, La Concordia College, Philippine Women's University, Santa Isabel College, St. Paul College, St. Joseph's College, Centro Escolar University, at sa UP College of Music, kung saan nanatili siya hanggang 1978 at nagsilbi bilang chair ng Theory and Composition Department.

Naging direktor din siya ng Dramatic Philippines; at konduktor naman ng Banda Angono Numero Uno, Manila Symphony Orchestra, Musical Philippines Philharmonic Orchestra, Peng Keng Grand Mason Concert Band, at ang San Pedro Band of Angono.

Ilang Komposisyon

  • Sa Ugoy ng Duyan (titik mula kay Levi Celerio), 1943
  • Violin Concerto in D minor, 1948
  • Lahing Kayumanggi, 1961
  • The Devil’s Bridge
  • Malakas at Maganda Overture
  • Hope and Ambition
  • Easter Cantata
  • Sa Mahal Kong Bayan
  • Rizal’s Valedictory Poem
  • Lulay
  • In the Silence of the Night
  • Dance of the Fairies
  • Triumphal March
  • Angononian March

Parangal at Gantimpala

  • Unang gantimpala, National Heroes Day Competition, 1936
  • Unang gantimpala, President Laurel March, 1943
  • Natatanging gantimpala, national composition contest, 1946
  • Republic Cultural Heritage Award, 1962
  • Professor Emeritus mula sa UP College of Music, 1979
  • Tanglaw ng Lahi Award mula sa Ateneo de Manila University, 1981
  • Signum Merit Medal mula sa De La Salle University, 1982
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa Lungsod Maynila, 1984
  • Unang gantimpala, Second National Eucharistic Congress of the Philippines Hymn Contest, 1987
  • Asean Award for Music, 1990
  • Papal Award
  • Pambansang Alagad ng Sining, 1991

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.