Luciano San Miguel

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Luciano San Miguel ay isang rebolusyonaryong Filipino mula sa Cavite. Isa siya sa mga nakipaglaban sa mga Amerikano noong Panahon ng mga Amerikano at naging isa sa mga magigiting na heneral ni Emilio Aguinaldo.

Talambuhay

Ipinanganak si San Miguel sa bayan ng Noveleta sa Cavite noong ika-7 ng Enero, 1875. Limitado ang impormasyon tungkol sa kaniyang pagkabata. Tanging ang kaniyang buhay bilang isang sundalo noong Digmaang Pilipino-Amerikano ang nasa iilang mga tala tungkol sa kaniya. Ikinasal siya sa isang kilalang anak ng mayamang pamilyang Tsino.

Bilang Heneral ng Himagsikan

Pinamunuan ni San Miguel ang mga hukbo sa bahagi ng San Juan del Monte sa Bulacan. Siya rin ang naging pangunahing pinuno ng mga hukbo sa Zambales at Pangasinan. Sa kabila ng pag-atake ng mga Amerikano sa Zambales mula Disyembre 1899 hanggang 1900, hindi sumuko o nahuli si San Miguel.

Napatay sa isang labanan laban sa mga Amerikano si San Miguel sa Rizal noong ika-28 ng Marso, 1903. Isa siya sa dalawang heneral ng Unang Republika ng Pilipinas na namatay sa labanan. Isa rin siya sa dalawang pinunong Filipino na hindi tumanggap sa pananakop ng mga Amerikano.

Bago siya sumabak sa laban noong 1903, sumulat siya kay Apolinario Mabini. Humingi siya ng payo kung ipagpapatuloy ang pakikipaglaban para sa kalayaan. Hindi kaagad sumagot si Mabini dahil inaaral pa niya ang sitwasyon, pero sa kaniyang sagot kay San Miguel, sinabi niyang mas makakabuting makipag-usap sa mga Amerikano sa mapayapang paraan dahil kulang sa armas ang mga Filipino. Sa kasamaang palad, hindi na nabasa ni San Miguel ang sagot ni Mabini sa kaniyang sulat.

Mga Sanggunian

  • Calano, Mark. 2007. The Generals of the Revolution and the Fil-Am War. 
  • Ti Similla (March). [1](accessed May 9, 2008).
  • Corpuz, O.D. 2005. The Roots of the Filipino Nation. Quezon City: The University of the Philippines Press.
  • Southern Luzon and Bicol, Philippines Unsung Heroes. From the Centennial Resource Book: Ang mga Pilipino sa Ating Kasaysayan.
  • Design by MSC Communications Technologies, Inc. http://www.msc.edu.ph/centennial/hero/bicol/page12.html (Accessed May 9, 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.