Lucas

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Lucas ay isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pambabastos at pagtaboy sa kanyang malinis na hangarin ay sumapi siya sa mga tulisan. Siya ang nag-aya sa magkapatid na Bruno at Tarsilo na makiisa sa pag-atake sa kwartel na pinlano ni Ibarra. Naniniwala siyang sa paraang ito ay maipaghihiganti niya ang kanyang pamilya na pinatay ng mga guardia sibil.[1]

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  1. Jose Rizal, Noli me Tangere, isinatagalog ni Pedro Gatmaitan (Manila: P.Sayo Bookstore, 1948), hinango noong: 3 Hunyo 2011


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.