Luane Dy

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Luzia Jannie Dy (ipinanganak Enero 25, 1986), mas kilala bilang Luane Dy, ay isang artista at tagapagbalita sa telebisyon mula sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga punong-abala ng Unang Hirit, isang palabas pang-umaga ng GMA Network. Sa nasabing palabas, nakatanggap siya at kanyang mga kasama ng parangal bilang mga Pinakamagagaling na mga Punong-Abala ng isang Palabas Pang-umaga na ginawaran noong Ika-29 na Star Awards para sa Telebisyon.[1] Makikita din siya nagbabalita ng balitang shobis sa 24 Oras Weekend[2] at Balitanghali.[3]

Bukod sa pagiging punong-abala, siya ay isang artista at unang lumabas sa mga palabas ng ABS-CBN na The Wedding at Precious Hearts Romance Presents: Somewhere In My Heart.[3] Sa GMA Network, bumida naman siya sa I Heart You Pare na gumanap siya bilang kasintahan ni Dingdong Dantes at sa Genesis.[3]

Mga sanggunian

  1. 3.0 3.1 3.2