Liza Marcos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Marie Louise “Liza” Araneta–Marcos ay abogado at asawa ng ika-17 Pangulo ng Pilipinas na si Bongbong Marcos. Si Liza, na ngayo’y Unang Ginang, ay isa sa mga tagapagtatag ng Marcos, Ochoa, Serapio, & Tan (MOST). [1]

Asawa at Ina

Sa The Interviews of the Wives and Children of the 2022 Presidential Candidates ni Boy Abunda na lumabas noong 9 Marso 2022, inamin ni Liza Marcos na nanonood silang mag-asawa ng pelikulang Ant-Man nang magdesisyon si Bongbong na tumakbo sa Halalan 2022 bilang Pangulo ng Pilipinas. Kinabahan daw ang maybahay at ayaw na sanang masaktan pa ang asawa dahil sa nangyari noong Halalan 2016 kung saan natalo itong sa pagkapangalawang pangulo. Aniya, hindi hinikayat ni Lisa ang asawa ngunit hindi rin niya ito pinigilan sa desisyon. [2]

Sina Bongbong at Liza ay nagkakilala noong 1989 sa New York, panahon din ng paglilitis ni Imelda Marcos sa kasong fraud. Abogado na noon si Liza habang nag-aaral si Bongbong sa Wharton School ng University of Pennsylvania. Magkalabang partido sa politika ang kanilang pinagmulan. Ang asawa ng kaniyang tiyahin na si Judy Araneta–Roxas ay si dating Senador Gerry Roxas ng Partido Liberal, ang kalabang partido ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Naging magkasintahan ang dalawa hanggang sa mag-aya ng kasal si Bongbong noong 1992 sa Hong Kong kung saan nagbabakasyon noon ang pamilya ni Liza. Makalipas ang isang taon, 17 Abril 1993, ay ikinasal ang dalawa nang pribado kung saan 21 lamang ang kanilang panauhin. Noong 17 Abril 2018, muling nagsumpaan ng pagmamahalan ang mag-asawa nang ipagdiwang nila ang ika-25 anibersaryo ng kanilang kasal sa Italy. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng tatlong anak: sina Ferdinand Alexander, Joseph Simon, at William Vincent.[3] [4] [5]

Mga Sanggunian

  1. “Louise "Liza" Araneta-Marcos.” Tatler.https://www.tatlerasia.com/people/louise-liza-araneta-marcos. Accessed 18 Marso 2022.
  2. Neil Arwin Mercado. “Bongbong Marcos was watching ‘Ant Man’ when he decided to run for president, says wife.” Inquirer.net, 10 Marso 2022. https://newsinfo.inquirer.net/1566339/ant-man-inspired-bongbong-marcos-to-run-for-president-says-wife. Accessed 18 Mayo 2022.
  3. TDT. “Liza Marcos: Bong was my parents’ favorite.” The Daily Tribune, 13 Marso 2022.https://tribune.net.ph/index.php/2022/03/13/liza-marcos-bong-was-my-parents-favorite/. Accessed 18 May 2022.
  4. Aster Amoyo. “The love story of Bongbong and Liza.” Journal News, 5 Setyembre 2021. https://journalnews.com.ph/the-love-story-of-bongbong-and-liza/. Accessed 18 Mayo 2022.
  5. “Bongbong and Lisa Marcos mark 25th wedding anniversary.” Lifestyle Inquirer, https://lifestyle.inquirer.net/291996/bongbong-lisa-marcos-mark-25th-wedding-anniversary/. Accessed 18 Mayo 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.