Lito Osmeña

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Lito Osmeña.

Si Emilio Mario Renner Osmeña Jr. (11 Setyembre 1938 - 19 Hulyo 2021) o mas kilala sa tawag na Lito Osmeña ay isang politikong Pilipino. Naging gobernador siya ng lalawigan ng Cebu mula 1988 hanggang 1992 at kilala sa kaniyang mga proyektong nagpaunlad sa lalawigan.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Osmeña noong ika-11 ng Setyembre 1938 sa Cebu City. Anak siya ni Emilio V. Osmeña, isang doktor, at apo ni dating pangulong Sergio Osmeña. Nagtapos siya kursong business administration mula sa University of San Carlos sa Cebu. Noong dekada 1970, nagsimula siyang magsagawa ng iba't ibang proyektong may kinalaman sa real estate.

Napangasawa ni Osmeña si Anette Versoza. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Mariano, Maria Luisa at Emilio III.

Karera

Gobernador ng Cebu

Nagsimula ang karera ni Osmeña sa politika noong 1988 nang mahalal siya bilang gobernador ng Cebu. Sa loob ng kaniyang termino, umabot sa P1 bilyon bawat taon ang budget ng lalawigan. Nagsimula rin ang pagpapagawa ng mga tulay, kalsada at iba pang mga proyektong pang-impraestruktura sa Cebu. Kabilang sa mga sinimulang maipagawa sa panahon ng kaniyang pamamahala ang Cebu Transcentral Highway na nagdugtong sa siyudad ng Cebu sa ibang bahagi ng lalawigan. Nagpatupad din siya ng water distribution program, kung saan umabot sa 90 porsyento ng lalawigan ang nagkaroon ng suplay ng tubig. Sa panahon rin ng pamumuno ni Osmeña naipatayo ang paliparan sa Cebu at ang rural electrification project. Dahil sa kaniyang mga proyekto, kinilala si Osmeña na siyang nagpaunlad sa ekonomiya ng Cebu.

Noong halalan ng 1992, tumakbo si Osmeña bilang pangalawang pangulo ni Fidel V. Ramos, ngunit natalo siya ni Joseph Ejercito Estrada.

Chief Economic Adviser

Matapos matalo sa halalan, itinalaga ni Ramos si Osmeña bilang chief economic adviser niya mula 1993 hanggang 1997. Siya rin ang chairperson ng Presidential Committe on Flagship Programs and Projects na nagpatupad ng iba't ibang proyekto tulad ng General Santos Airport, Mactan Cebu International Airport, ang pagpapaunlad sa mga pantalan sa Batangas at General Santos, ang pagsasaayos ng Pan-Philippine Highway, Quirino Highway, ang Southern Tagalog Arterial Highway, C-5 Road, ang Metro manila Skyway, ang Kalayaan-EDSA Flyover, and Ayala-Pasay Road Interchange, and EDSA-Shaw Flyover, at marami pang iba.

Noong 1997, umalis si Osmeña sa Lakas-NUCD at binuo ang kaniyang sariling partido, ang Progressive Movement for the Devolution of Initiatives, na kilala rin bilang Probinsya Muna Development Initiative (PROMDI). Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1998 at muling natalo ni Estrada.

Kamatayan

Pumanaw si Osmeña noong ika-19 ng Hulyo 2021 sa edad na 82, dahil sa kumplikasyon mula sa COVID-19. Matapos ang ilang linggo ay pumanaw rin ang kaniyang asawang si Anette noong ika-31 ng Hulyo.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.