Lingling-o

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Lingling-o-X3.jpg

Ang Lingling-o ay ginagamit ng mga katutubong Igorot na nakatira sa hilagang Pilipinas bilang hikaw o palawit sa kwintas. Bukod sa mga Igorot, ginagamit din ito ng mga katutubo sa iba't ibang parte ng Pilipinas at sa timog silangang Asya. Ang mga Ifugao, ginagamit ito bilang palawit sa kanilang mga kwintas, sa kabilang banda, ginagamit naman ito ng mga Bontoc, Kalinga at Gaddang bilang mga hikaw. Sa mga Igorot, ito ay dumadaan sa ritwal kung saan ito ay hinuhugasan ng dugo. ang lingling-o na matatagpuan sa iba't ibang parte ng Pilipinas ay gawa sa iba't ibang uri ng bato. May mga ganito na natagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon na tinatayang 2,500 taon na. Isa ito sa itinuturing na kayamanan ng ating bansa ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Materyales sa Pag-gawa

Iba't iba ang mga batong ginagamit sa pag-gawa ng lingling-o na kadalasan ay depende sa mga materyales na matatagpuan ng taong gumagawa sa kaniyang paligid. Sa mga Igorot, ang lingling-o ay karaniwang gawa sa ginto. Pinaniniwalaan ng mga nasabing katutubo na ito ay bahagi na ng kanilang ari-arian.

Sa ibang lugar, ginagamit ang jade, kabibe, luwad o bato bilang materyales sa paggawa ng lingling-o. Ang mga materyales na ginagamit ay depende sa katayuan ng nagmamay-ari sa kaniyang lipunan.

Anyo

Ang hugis ng lingling-o ay pabilog na may maliit na hati sa gitna na ginagamit sa pagkakabit nito sa tainga kung ito ay gagamiting hikaw o di naman kaya ay upang ipasok ang pisi at maitali ito, kung ito naman ay gagamiting palawit sa kuwintas. Ang disenyo sa dalawang magkabilang gilid nito ay kahawig ng ulo ng dalawang magkaparehong ulo ng hayop.

Gamit at Paniniwala

Para sa mga katutubong nakatira sa hilagang parte ng Pilipinsa, ang lingling-o ay isang importanteng parte ng kanilang mga pag-aari. Bukod sa ginagamit nila ito bilang palamuti sa kanilang katawan, ito rin ay simbolo ng kanilng katayuan sa lipunan. Bukod pa din, ang mga lingling-o ay ginagamit bilang panregalo sa kasal o kaya naman ay bigay kaya para sa pamilya ng mapapangasawa ng kanilang anak.

Pinaniniwalaang angmga lingling-o ay may taglay na kapangyarihan. Dahil dito marami ang gumagamit nito sa pag-iisip na ito ay nagbibigay ng swerte. Ang iba naman naniniwalang ang lingling-o ay napapabuti ng pertilidad ng gumagamit. Pinaniniwalaang ding ito ay nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga anito

Simbolo

Ang pagkakaroon ng gintong lingling-o ay simbolo na ang isang mamamayan ay nabibilang sa mataas na natas ng lipunan. Kahit na sa kasalukuyan, ang paggamit nito ng mga kabataan sa hilaga ay simbolo ng katapangan at kagitingan.

Pinaniniwalaan din na ang butas sa gitna nito ay humahalintulad sa itsura ng embryo na may umbilical cord, na sumisimbolo sa pertilidad.


Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.