Linares
Si Alfonso Linares de Espadaña, kilala bilang Linares, ay ang pamangkin ni Don Tiburcio de Espadaña, inaanak ng bayaw ni Padre Damaso, at ang karibal ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.
Si Linares ay isang purong Kastila. Nakapagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad Central sa Madrid, kabisera ng Espanya. Ipinalalagay na siya ang pinakamatino sa angkan kung kaya't pinapunta siya ni Doña Victorina sa Pilipinas sa pag-aakalang kinakailangan niya ng tagapangasiwa ng yaman. Sa kanyang pagdating sa Maynila, tumuloy siya sa bahay ni Kapitan Tiago, ang ligal na ama ni Maria Clara. Lubha siyang pinuri ni Doña Victorina kung kaya't namangha si Kapitan Tiago sa kanya. [1]
Nang sila'y magkita ni Padre Damaso, binanggit niyang nais niyang manatili sa Pilipinas upang magtrabaho at makapaghanap ng mapapangasawa. Sa panahong ito ng nobela, natuligsa si Ibarra bilang isang filibustero dahil sa naging alitan nila ng prayle. Dahil dito pinlano ni Padre Damaso at Kapitan Tiago na mas makabubuting ipakasal si Maria Clara kay Linares nang lingid sa kaalaman ng dalaga. Naglaon ay nadiskubre rin ng dalaga ang balak ng ama kung kaya't hindi natuloy ang kasal sapagkat hindi pumayag ang dalaga at mas pinili nito ang pagmomongha.
Namatay si Linares sa sakit na disenterya. [1]
Panlabas na Kawing
- Noli Me Tangere (The Social Cancer): pagsasalin ni Charles Derbyshire sa wikang Ingles
- Noli me Tangere/Huag akong salangin nino man salin ni Pascual Poblete
- Pagdiriwang ng ika-150 taon ni Jose Rizal
Sanggunian
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |