Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay samahan ng mga kabataang makata na itinatag ni Virgilio S. Almario noong 1985, at naglalayong palusugin ang estado ng panulaang Filipino sa Filipinas. Kabilang sa mga unang kasapi nito sina Ariel Dim. Borlongan, V.E. Carmelo D. Nadera Jr., Romulo P. Baquiran Jr., Luna Sicat-Cleto, Danilo Gonzalez, at iba pa. Taon-taon ay nagdaraos ng palihan sa tula ang LIRA sa pamumuno ni Almario, at kasama sa mga naiimbitahang kritiko ang gaya nina Bienvenido Lumbera, Isagani Cruz, Mike L. Bigornia, Teo T. Antonio, Krip Yuson, Fidel Rillo, Rogelio G. Mangahas, Lamberto E. Antonio, Manuel Principe Bautista, Silvino V. Epistola, Mario I. Miclat, Elynia Mabanglo, at Rolando Tinio. Kabilang sa mga sikat na kasapi sina Romulo P. Baquiran, Jr., Roberto T. Añonuevo, Rebecca T. Añonuevo, Michael M. Coroza, Jim Libiran, at Jerry Gracio, bukod pa kina Nadera, Borlongan, Baquiran, at Sicat-Cleto. Si Beverly W. Siy ang kasalukuyang pangulo ng LIRA.

Ipinagdiwang ng LIRA ang ika-22 pagkakatatag nito noong 11 Disyembre 2007 sa Conspiracy Garden Cafe sa Visayas Avenue, Lungsod Quezon, at naglabas ng pinakabagong antolohiyang pinamagatang Sidhay (Sisidlan ng Buhay).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA)