Limnolohiya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang limnolohiya (Ingles: limnology) ay ang pag-aaral ng mga katubigan na hindi bahagi ng mga karagatan o ng mga dagat. Ang mga katubigang pinag-aaralan sa limnolohiya ang mga ilog, mga lawa, mga latian, mga tubig sa ilalim ng lupa, at maging ang mga katawan ng tubig na gawa ng mga tao. Binibigyang kahulugan din ito bilang ang makaagham na pag-aaral ng buhay at kababalaghan o penomena sa panloob na mga katubigan, kabilang ang mga lawa, kailugan, mga batis, at mga lupang basa. Ang mga siyentipikong nagsasagawa ng ganitong pag-aaral ay tinatawag na mga limnologo o mga limnolohista. Ang kanilang mga gawain ay kinasasangkutan ng biyolohiya, kimika, heolohiya, at hidrolohiya.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Limnolohiya. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.