Likas na Yaman ng Asya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Mayabong ang likas yaman sa Asya. Ito ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo at may pinakamalawak na sakop ng lupain at baybay-dagat. Sa lawak ng Asya, iba-iba rin ang klima ng mga rehiyon at bansa rito. Ilan ito sa mga salik kung bakit sagana sa likas na yaman ang Asya.

Pinakikinabangan ng buong mundo ang mga produktong mula sa likas na yaman ng bansa. Sagana ito sa mga produktong may kinalaman sa agrikultura tulad ng mga gulay, prutas, bigas, isda, at maging karne. Mayaman din ang Asya sa mga mineral na mula rin sa kalikasan. Sa Asya rin nagmumula ang pinakamalaking reserba ng mundo sa mga produktong petrolyo.

Epekto ng Heograpiya at Klima sa Likas Yaman

Ang Asya ay may sakop na 9% ng kabuuang lupain ng Daigdig. Mayroon din itong pinakamahabang baybay-dagat na nasa 62,800 kilometro ang haba. Naliligiran din ito ng mga dagat ng mundo tulad ng Pacific Ocean, Indian Ocean, at Arctic Ocean.

Nakararanas ng mataas na temperatura ang mga kanlurang bahagi ng Asya habang ang timog-kanlurang bahagi naman ay nakararanas ng iba-ibang panahon tulad ng tag-init at taglamig (winter). Marami ring bahagi ng Asya ang nakararanas ng mahabang panahon ng tag-ulan tulad ng Pilipinas, Japan, at China.

Ang klima ang isa sa mga dahilan ng pagyabong o pagiging salat sa likas-yaman ng isang bansa o kontinente. Dahil iba-iba ang klima sa bawat rehiyon ng Asya, bawat isa ay nagtataglay at nakakukuha ng iba’t ibang yaman mula sa kalikasan.

Likas Yaman ng Bawat Rehiyon

Hilaga at Gitnang Asya

Halos magkatulad ang kilima at heograpiya ng Hilagang at Gitnang Asya kaya naman hindi rin nagkakalayo ang kanilang mga likas na yaman. Nakararanas ang parehong rehiyon ng matinding tag-init at taglamig. Nakatuon sa agrikultura at pagmimina ang ekonomiya ng dalawang rehiyon.

Ang Hilagang Asya ay kilala sa pagluluwas ng caviar o itlog ng mga sturgeon, isang uri ng malaking isda na likas sa karagatan ng rehiyon. May panahong ding mayaman ang agrikultura ng Hilagang Asya mula sa mga lambak-ilog, burol, at ilang kabundukan. Tumutubo rito ang mga palay, trigo, barley, bulak, tabako, asukal, ubas, mansanas, at sibuyas. Nakapagmimina rin ng mga likas na yaman sa mga kabundukan. Nakukuha rito ang ginto, natural gas, at phosphate.

Ang Gitnang Asya naman ay may industriya rin ng pagsasaka at pagtatanim ngunit umaasa sila sa irigasyon dahil madalas na maranasan ang tag-init sa rehiyon. Nag-aangkat sila ng bulak at uling sa iba’t ibang bahagi ng Russia. Marami ring disyerto sa Gitnang Luzon ka naman mayaman ang rehiyon sa langis at gas. Mayroon ding namiminang maraming miniral tulad ng ginto lalo na bansang Kazakhstan.

Silangang Asya

Sagana ang malaking bahagi ng lupa ng Silangang Asya. Sa katunayan, sinasabing masigla na talaga ang pagtatanim sa rehiyong ito bago pa ang 8000 BP kung saan natuklasan ang maunlad na agrikultura. Ang China ang nakasasakop ng pinakamalaking lupain sa Silangang Asya. China rin ang nangunguna sa pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas sa mundo tulad ng palay, trigo, mais, at repolyo. Nag-aalaga rin ng iba’t ibang hayop tulad ng mga kalabaw, tupa, kabayo, manok, at pato ang maraming magsasaka sa China. Mayayaman din ang kabundukan ng China sa depositong mineral tulad ng karbon, magnesium, antimony, at tungsten.

Ganito rin halos ang likas na yaman sa mga bansang South at North Korea. Pagtatanim, pangingisda, at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing ikinabubuhay. Mayroon ding mga nakukuhang yamang mineral sa kanilang lupain.

Ang Japan naman ay mayaman ang karagatan sa mga yamang dagat. Mayroon ding kaunting deposito ng yamang mineral sa kanilang mga kabundukan at maaari din namang magtanim at mag-alaga ng hayop. Gayunman, mas lumakas ang ekonomiya ng Japan sa industrayalisasyon.

Timog Asya

Bagay ang klima sa pagtatanim sa rehiyon ng Timog Asya. Mayaman sa mineral ang lupa kaya naman iba’t ibang pananim ang kayang patubuin sa halos buong rehiyon at hindi sa iilang bansa lamang. Agrikultural na rehiyon ang Timog Asya at ilan sa mga produkto mula rito ay palay, trigo, mais, kape, patatas, kamote, bulak, kasuy, at iba pang gulay.

Sa lupain ng India naman makikita ang malaking reserba ng karbon at metal. Ang Nepal naman ay nakikinabang ng mga likas-yaman mula sa gulod ng Himalayan mountain range. Sa Sri Lanka naman makikita ang malaking bilang ng mga punong napagkukuhanan ng matitibay na uri ng kahoy tulad ng mahogany at palm. Mayabong rin dito ng tsaa, niyog, at goma.

Timog-Silangang Asya

Ang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa likas yamang mula kabundukan, kapatagan, at karagatan. Tropikal ang klima ng bansa sa rehiyong ito kaya naman maraming likas na yamang napakikinabangan dito. Kilala ang maraming bansa sa Timog-Silangang Asya sa sektor ng agrikultura. Sa mga kabundukan, burol, at kapatagan sa mga bansa tulad ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Laos, at Thailand ay naaani ang iba’t ibang pananim. Isa sa pinakamalaking taga-angkat ng suplay ng langis mula sa puno ng niyog ang rehiyon. Palay rin ang pangunahing itinatanim sa rehiyon dahil angkop ang klima sa pagpapatubo nito. Ilan pa sa mga tumutubong uri ng halaman at bungangkahoy sa rehiyon ay naraa, apitong, kamagong, cacao, kape, abaka, mais, bulak, at trigo. May mga lugar din na mas malamig ang klima kung saan naipatutubo rin ang mga pananim tulad ng makikita sa ibang rehiyon ng Asya. Pagmimina rin ang isa sa pinakakilalang industriya sa ilang kabundukan ng Timog-Silangang Asya. Mayaman ang lupain ng rehiyon sa mga mineral tulad ng tin, liquefied gas, ginto, tanso, at bakal.

Kanlurang Asya

Mayaman ang Kanlurang Asya sa deposito ng langis at mga yamang mineral. Sa katunayan, ang rehiyong ito sa Asya ang pinakamalaking pinagkukuhanan ng langis ng buong mundo, patikular ang bansang Saudi Arabia. Nakkukuha rin ng langis at petrolyo sa mga bansang Oman, Kuwait, Iran, Iraq, at Israel. Maliban sa natural gas at langis, mayaman din ang Kanlurang Asya sa mga yamang mineral tulad ng ginto, tanso, zinc, magnesium, phosphate, at potassium. Tumutubo rin sa Kanlurang Asya ang iba’t ibang pananim tulad ng trigo, mais, palay, barley, at iba pang mga uri ng prutas.

Suliranin sa Likas na Yaman

Bagaman yumabong ang ekonomiya ng Asya dahil sa likas na yaman ng kontinente, naging suliaranin naman ng mga Asyano ang sariling pagpapalago at pagtuklas sa kanilang likas na yaman. Maraming bansa sa Asya ang nasakop ng mga dayuhan na naging dahilan upang matagal na hindi mapakinabangan ng mga lokal ang kanilang likas na yaman.

Isa ring salik na nakaaapekto sa paggamit at pagpapanatili ng likas na yaman ng mga bansa sa Asya ay teknolohiya. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay napakikinabangan ang mga likas na yaman na noon ay hindi naman nagagamit sa produksiyon. Gayunman, ang teknolohiya rin kung minsa ang nagiging sanhi ng pagkasira ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang mga kagamitan at prosesong pinagdaraanan sa pagmimina.

Mga Sanggunian:

“West Asia”. “Nature”. (Hinango noong 9 Agosto 2021).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.