Ligtas na Laruan sa Kapaskuhan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Wooden toys (cropped).JPG

Nangunguna sa listahan ng mga regalong ibinibigay sa mga bata ang laruan sa tuwing sasapit ang Pasko. Kaya nga bat naglabas ang Kagawaran ng Kalusugan ng babala sa mga mamimili kung paano makasisigurong ang mga laruang ibibigay bilang aginaldo sa mga bata ay ligtas at malayo sa panganib. Nagbigay naman ng mungkahi ang ilan pang eksperto upang maging gabay sa pamimili ng mga laruan hindi lamang tuwing Kapaskuhan kundi sa tuwing magbibigay ng mga laruan sa bata.

Gabay sa Pamimili ng Laruan

  • Ikunsidera ang edad (kung ilang taong gulang) ang bata, kung ano ang kanyang interes at kakayahan at kung ano ang mga kinawiwilihan niyang paglaruan. Tingnan ang disenyo at kalidad nito at sundin ang ipinapayo kung paano ang paggamit ng tama sa laruan.
  • Umiwas sa mga laruang may matatalas na dulo, at matatalim na mga kanto nito.
  • Iwasan ang mga laruang nagbibigay ng sobrang ingay sa tainga.
  • Hwag bumili ng mga laruang may mga tali, o pisi na maaaring maging daan upang masakal ang bata.
  • Piliin ang mga laruang hindi de kuryente o nagbibigay ng init lalo na sa mga batang may edad na mas mababa sa walong taong gulang
  • Umiwas sa pagbili ng mga laruan na maaaring pagsimulan ng pagkakapaso ng bata- halimbawa ay mga cap guns o baril na maaaring pagmulan ng friction at makasunog.

Gabay sa mga Magulang

  • Inspeksyunin ng regular ang mga laruan ng mga anak upang makasigurong hindi sira ang mga ito at hindi magdudulot ng panganib sa mga bata. Kumpunihin kung sira ito, itapon na ang mga hindi na maaaring mapakinabangan at ilayo sa maaabot ng mga bata.
  • Makipaglaro sa mga bata. makisaya. Hwag pabayaang sila lamang ang naglalaro.
  • Tiyakin na ang mga laruan ay nasa tamang lugar na paglalagyan o sa espasyo sa tahanan kung saan ligtas ang mga ito.
  • Turuan ang mga bata na iligpit nang maayos ang kanilang mga laruan matapos itong gamitin.
  • Tandaan na kinakailangan pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng mga magulang sa kanilang mga anak habang naglalaro ang mga ito upang makasiguro na walang anumang panganib na maaaring mangyari sa kanila.

Babala ng Kagawaran ng Kalusugan

Ayon sa BOC (Bureau of Customs), ang mga imported na laruan o mga laruang galing sa ibang bansa ay kinakailangang dumaan sa masusing pag-iinspeksyon ng Kagawaran ng Kalusugan bago ito ilabas sa merkado.Kinakailangan munang makakuha ang mga ito ng “clearance for release” mula sa Bureau of Health Devices and Technology ng DOH upang sumailalim sa mga pagsubok. Sinabi ni Johnny Martinez, officer in charge ng Customs Intelligence and Investigation Service para sa Port ng Manila na hindi papayagang ibenta ang mga laruan hanggang walang malinaw na resulta na lalabas mula sa laboratoryo.

Sanggunian

  • News Info. (hinango noong Disyembre 15, 2008)
  • Purdue.(hinango noong Disyembre 15, 2008)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.