Levi Celerio
Si Levi Celerio (1910-2002), isang lirisista at kompositor, ay Pambansang Alagad ng Sining sa Musika nang Pilipinas. Bilang isang kompositor, nakasulat siya ng higit sa 4000 na mga awit sa Tagalog. Ang ilan sa mga ito ay salin mula sa mga banyagang kanta o mga bernakular na awit, ngunit ang karamihan dito ay kanyang mga orihinal na obra.
Pinagmulan at Edukasyon
Ipinanganak siya noong 30 Abril 1910 sa Tondo, Maynila at supling nina Juliana Celerio, ang nagturo sa kanya na tumugtog ng harpa, at ni Cornelio Cruz.
Nang siya ay 11 taong gulang, kumuha siya ng aralin mula sa Philippine Constabulary at kinalaunan ay naging miyembro nito. Nakatapos siya ng dalawang semestre ng kurso sa pagtugtog ng biyulin sa Konserbatoryo ng Musika sa UP, at pagkatapos ay kumuha ng tulong pinansyal sa pag-aaral, sa Academy of Music sa Maynila
Mga Natatanging Obra
- Alembon (musika ni J. Silos Jr.)
- Bagong Pagsilang (F.de Leon)
- Kapag Puso'y Sinugatan (T. Maiquez)
- Galawgaw (J.Silos Jr.)
- Misa de Gallo (J. Balita)
- Pasko na Naman (F. de Leon),
- Sa Ugoy ng Duyan (L. San Pedro)
- Saan Ka Man Naroroon (R. Umali)
- Tinikling (awiting bayan)
- Itik-itik (awiting bayan)
- Waray-waray (J.Silos Jr.)
- Tunay na Tunay (J. Silos Jr.)
- Ang Pasko ay Sumapit
Ang ibang mga awit na naisulat ni Celerio ay ginamit sa ilang mga pelikula tulad ng "Pandora" at "Ikaw ang Mahal Ko" para sa Premiere Productions' Pandora, Sapagka't Kami ay Tao Lamang, Kapantay ay Langit, Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa, Kahit Konting Pagtingin, Pitong Gatang, Hanggang Doon Kay Bathala, Babaeng Uliran, Eva at Adan, (starring Edna Luna), Caprichosa, Malvarosa, Ang Dalagang Taga-bukid, Alabok na Ginto ar Ang Daigdig Ko'y Ikaw.
Mga Pagkilala
- Natatanging Gawad Urian mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino noong 24 April 1993
- Humanities doctorate honoris causa mula sa Unibersidad ng Pilipinas, 1991
- Lifetime Achievement Award mula sa Film Academy of the Philippines
- Gawad CCP Para Sa Sining mula sa Cultural Center of the Philippines
- Pambansang Alagad ng Sining sa Musika
Siya rin ay pumasok sa Guiness Book of World Records para sa natatanging tao na may kakayahang gumawa ng musika gamit ang dahon.
Panlabas na Kawing
Sanggunian
- Natatanging Gawad 1993: Levi Celerio. (Hinango noong 24 Abril 2008).
- Levi Celerio. (Hinango noong 24 Abril 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |