Leonor Valenzuela

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Leonor Valenzuela ay isa sa mga babaeng naging karelasyon ni Jose Rizal. Siya ay kilala sa tawag na Orang. Siya ay anak ni Kapitan Juan at Kapitana Senday Valenzuela.

Deskripsyon

Inilarawan ni Rizal si Valenzuela bilang ang kahanga-hanga at matangkad na babaeng nagmula sa Pagsanjan, Laguna.

Relasyon kay Rizal

Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Dona Concha Leyva sa Intramuros noong siya'y nasa ikalawang taon ng pag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Dito ay nakilala niya si Valenzuela, na nakatira sa kasunod na pintuan ng kaniyang tinutuluyang bahay. Mula noon ay madalas dumalaw si Rizal sa bahay ng dalaga.

Sinasabing ipinakita ni Rizal ang kaniyang galing sa mahika sa mga magulang ni Valenzuela noong nililigawan niya ang dalaga. Karagdagan pa, sinasabing nagpapadala si Rizal ng mga liham na isinulat gamit ang 'di nakikitang tinta na mababasa lamang sa ibabaw ng init na nagmumula sa sinindihang kandila o lampara.

Sanggunian

Lirio, Gerry, Women first in the heart of the First Filipino Philippine Daily Inquirer (Hinango noong Agosto 3, 2010)

Biography of the girlfriends Pinoy Henyo (Hinango noong Agosto 3, 2010)

Mga kababaihang nasangkot kay Pepe (Hinango noong Agosto 3, 2010)