Leody de Guzman

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Si Leody de Guzman nang magpasa ito ng kaniyang COC sa Comelec noong 6 Oktubre 2021.

Si Leody de Guzman, kilala sa tawag na Ka Leody, ay isang aktibistang nagsusulong ng mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino. Si Ka Leody ay kumakandidato bilang Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022 kung saan katambal niya si Walden Bello bilang pangalawang pangulo. [1]

Si Ka Leody ay ang tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, isa sa mga tagapagtatag ng Partido Manggagawa, at kumakatawan sa Pilipinas sa International Council of the International Center for Labor Solidarity. Halos tatlong dekadang nakikipaglaban si Ka Leody para sa kapakanan ng mga ordinaryong manggagawang Pilipino. [2]

Personal na Buhay

Si Ka Leody ay isinilang noong 25 Hulyo 1959 sa Nauja, Oriental Mindoro at kasalukuyang naninirahan sa Cainta, Rizal. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa PMI Colleges sa kursong Bachelor of Science in Customs Administration. Asawa niya si Marieza Tolentino. Mayroon silang tatlong anak. [2][3]

Pagpasok sa Politika

Si Ka Lody ay ang pambansang tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino. Isa rin siya sa mga tagapagtatag ng Nagkaisang Labor Coalition at ng Partido Manggagawa party-list. Kasapi rin siya ng rehiyonal na konsehong tagapagpaganap ng Kilusang Mayo Uno at kinatawan ng bansa sa International Council of the International Center for Labor Solidarity. [3]

Si Ka Lody ay kumandidato bilang kinatawan ng isang party-list noong 2016 at sa senado noong 2019 ngunit parehong natalo. [3]

Noong 6 Oktubre 2021, nagpasa siya sa Komisyon sa Halalan (Comelec) ng kaniyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo sa Halalan 2022. Kumakandidato siya sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa (PLM). Ang kaniyang mga plataporma ay nagsusulong sa mga karapatan ng mga ordinaryong manggagawang Pilipino. [3]

Noong 20 Oktubre 2021, naglabas ng pahayag ang kampo ni Walden Bello na nagpasa na ito, sa tulong ng kaniyang opisyal na kinatawan, ng COC bilang kandidato sa pangalawang pangulo sa Halalan 2022 sa ilalim ng partido ni Ka Leody, ang PLM.[1]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Jairo Bolledo. “Walden Bello is Ka Leody’s new running mate, vows to fight 'Marcos-Duterte Axis of Evil.'” Rappler, 20 Oktubre 2021.https://www.rappler.com/nation/walden-bello-ka-leody-de-guzman-new-running-mate. Accessed 19 Nobyembre 2021.
  2. 2.0 2.1 Adelle Chua. “The audacity of Leody.” Manila Standard, 19 Nobyembre 2021.https://manilastandard.net/opinion/columns/long-story-short-by-adelle-chua/370306/the-audacity-of-leody.html. Accessed 19 Nobyembre 2021.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Katrina Hallare. “APPLICANT FOR PRESIDENT: Leodigario ‘Leody’ De Guzman.” One News, 11 Oktubre 2021. https://www.onenews.ph/articles/applicant-for-president-leodigario-leody-de-guzman. Accessed 19 Nobyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.